Chapter 114: NEXT TIME NA NAMAN?

147 10 0
                                    

🏰ALEX🏰

Mabuti na lang at bumili na sina Darylle ng gagamitin namin. Nakalimutan ko kasi talaga 'to sa sobrang saya ko eh. Nandito kami sa likod ng school. Ito kasi ang pinakasafe na lugar para gawan ng lobo. Unang-una, walang masiyadong nagtatambay rito kaya malayo sa disgrasiya. Hindi masasagi o matatamaan ng bola. Ikalawa, kahit mapinturahan namin ang sahig ayos lang dahil  marami na rin namang pintura ang sahig non. Ikatlo, kasiya rito ang lobo at kasiya rin 'yon sa pinto dahil dalawa ang pinto niya. Mataas din ang bubong at may mga hagdan na pwede naming gamitin sa paggawa.

Airconditioned pa...

Nandito kami nila Kendrick at 'yung ibang mga JHS students. Pinagpaplanuhan pa namin kung paano sisimulan. Chicken wire ang gagamitin namin para maikorte ang lobo. Sa palagay ko dapat katawan ang unahin dahil mukhang matrabaho ang mukha non.

Ang gusto ko 'yung lobong palaban...

'Yung parang nangangain...

'Yung tingin pa lang kikilabutan na ang makakakita...

Naiimagine ko na ang hitsura ng lobo na gusto kong gawin. Nangangati na ang kamay kong gumawa. Gusto ko na kaagad makita ang resulta. Pero sana talaga 'wag akong tamarin. Nagpalit lang ako ng shirt at nagshort ako. Mahab naman 'yon mga hanggang tuhod. Nakatsinelas din ako kahit sinabing bawal. Bakit? Eh sa sutil ako eh, may magagawa ba sila? Alangan naman mag-rubber shoes pa ako 'di ba? Sila kaya pagawain ko neto.

Dinugtong namin ang mga chicken wires dahil 'yon ang naaayon sa sukat. Gumamit kami ng alambre at pliers para mapagdugtong 'yon ng maigi. Sila Darylle nagluluto ng gawgaw, kasama niya si Sydney.

"Alex," tawag sa akin ni Georgina.

"Oh?"

"Kilala mo ba si Sean?"

"Sino 'yon?"

"May kilala kang gano'n?"

"Wala," sagot ko.

"Halika rito te," sabi ni Kendrick. Binitawan ko ang ginagawa ko at pinaubaya muna sa mga bata. "Titigan mo 'tong maigi." May pinakita siya sa akin picture ng lalaki.

"Ang pangit..."

"Oo pangit talaga 'yan kasing pangit ng ugali niya," ani Georgina.

"Natandaan mo na ang fez?" Tanong ni Kendrick.

"Sa ngayon oo pero baka bukas hindi na. Mabilis ko kasing nakakalimutan ang mga bagay na hindi naman importante."

"Basta te 'wag mong kalimutan ha?"

"Susubukan ko..."

"'Pag nakita mo ang lalaking 'yan, layuan mo. Masama 'yan," ani Georgina. "Kahit anong mangyari, 'wag kang lalapit sa kaniya okay?"

"Oo te, lumayo ka ha? Kung kailangan mong manakbo, manakbo ka."

"Ano bang meron diyan sa pangit na 'yan?" Takang tanong ko. Ngayon lang naman nila ginawa ang bagay na 'to. Sino naman 'yan?

"Basta bad 'yan," ani Georgina.

"Iwasan mo 'yan kasi may nakakahawang sakit 'yan," sabat naman ni Kendrick. "Gusto mo bang madedz?"

"Ayaw kasi iiyak ang Mamaw ko," sagot ko.

"Eh di iwasan mo 'yan," saad ni Kendrick. "Masama ang taong 'yan okay? Kung ayaw mong madedz and maging forever young 'wag kang lalapit sa kaniya."

"Okay," nakangiting sagot ko.

"Promise?" Itinaas ni Kendrick ang hinliliit niya.

"Promise," sabi ko. Pinagbuhol namin ang hinliliit namin. Nakangiti akong bumalik sa mga bata. "Nadugtong na?"

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon