🏰LUKE🏰
Halos magkandaihi-ihi na kami sa kakatawa ng dahil dito kay Marco. Pati mga Royal Guards na kasama niya nakikitawa na rin. Sinamahan pa ni Guione at Matthew, wala na! Finish na!
Panay din ang kuwento niya tungkol do'n sa mga babaeng crush niya raw. 'Yung nakita niya raw sa mall noong lumabas kami, tapos 'yung tumulong sa kaniya ng muntik na siyang maholdap.
"Bakit hindi mo kinuha ang number?" Tanong ko kay Marco.
"Wala kasi eh," sagot niya. "Parehong masungit, parang may galit sa akin."
"Hindi ka matatanggihan non kasi Prinsipe ka," sabat ni Guione.
"Hindi nga ako kilala nung isa," sabi niya sabay busangot. "Pero 'yung isa, kilala yata ako. Hindi ako sigurado, kasi ang sabi niya dapat daw hindi humahalo ang Bughaw sa inyong mga pula, baka maging violet daw ako."
"Wahahahahahahahaha!"
"Takte 'yan," ani Guione. Mabuti na lang mahangin sa lugar na 'to dahil kung hindi kanina pa kami nalagutan ng hininga sa katatawa.
"Naiihi na ako," sabi ni Matthew.
"Tara ihi tayo sa damuhan," yaya ni Marco. "Tagal ko ng hindi nakakaihi sa damuhan, ngayon na lang ulit. Mag-tabi-tabi po na lang tayo."
"Tara, tara," yaya ni Guione kaya sumunod na lang kami. Nakasalubong namin si Tito Eugene at Eric na naglalakad palabas. "Sa'n ang punta non?"
"Bakit kami tinatanong mo?" Sabi ko. Lumingon ako saglit pero dumiretso rin ng tingin.
"Bakit kaya pinakilala siyang girlfriend ni Ate Shane? Tapos 28 years old pa," ani Guione.
"Bakit hindi ba totoo 'yon?" Takang tanong ni Marco. Tinanaw niya ang mga guwardiyang nakasunod sa amin.
"Hindi," sagot ni Guione. "Senior High School student pa lang 'yon eh."
"Baka magshota talaga sila, sinabi lang na 28 years old para 'di pagalitan," saad ni Marco.
"Pwede," sabi ko. Medyo nairita lang ako sa lalaking 'yon ah. Siguro nga, may mga lalaki talagang hindi marunong makuntento sa isa. Hindi na kami nag-imikan at naghanap na lang ng pwede naming jingle-an.
"Pahabaan tayo oh," panghahamon ni Marco habang isa-isa kaming pumupuwesto sa dilim. Tawa lang ang sinagot namin sa kaniya. "Takot kayo no?"
"Lakas mo," sabi ko. "Baka nga supot ka pa eh."
"Hoy! Mr. Alcantara! Nauna pa akong nagpatuli sa 'yo!"
"Ako nauna," tinanggal ko na ang sinturon ko. "Nagyabangan pa nga tayo non nila Sean, nakalimutan niyo na? Kaya lang din nagpatuli 'yon si Sean kasi nainggit sa akin." Naisip ko tuloy bigla, siguro dati pa naiinggit sa akin ang kumag na 'yon.
Baka lang naman...
"Ikaw ba?" Nakakunot ang noo ni Marco habang pilit inaalala ang pangyayaring 'yon. "Ah oo nga pala, nagpunta pa non si Tito Carlos sa Palasyo para lang ibalita kay Lolo Miguel na tuli ka na."
"Oh 'di ba? Sabi sa 'yo ako ang nauna eh."
"Hindi mahalaga kung sino ang nauna. Ang importante, kung kanino ang mas mahaba," sabi ni Guione sabay tawa.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...