Chapter 82: PHOBIAS

184 15 1
                                    

🏰ALEX🏰

Naiinis talaga ako kay Gloria dahil inagawan niya ng boyfriend ang Mama ko. Iniisip ko tuloy baka umiiyak ang Mama ko katulad ng sa mga movie na napanood ko. Naiinis din ako sa sarili ko kasi kasalanan ko naman talaga. Kung hindi ko tinext si Gloria eh 'di sana ikakasal na ang Mama ko.

I messed up...

Huhuhuhuhuhu...

Mission failed...

"Boys and Girls listen up! We the coaches are having a meeting at eleven o clock in the afternoon about the upcoming events. Luke and Darylle, please take over."

"Yes Coach..."

"Ako magpapauwi sa inyo ha?"

"Yes Coach..."

"Okay continue..."

Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Umiingay sa loob ng court palibhasa nawala ang bantay. Aaminin ko natuwa ako ng marinig ko kay Coach Limer na kapareho ko maglaro si Mama. It means magaling ako maglaro.

Sabi ko na nga ba eh...

Magaling talaga ako eh...

Mayabang kasi ako!

"Mare!" Lumapit sa akin si Matthew. May dala-dalang bola at nagdribble sa harap ko.

"Alis diyan magshushoot ako."

"Laro tayo," yaya niya. "One b one. Kapag nanalo ako, ililibre mo ako. Kapag nanalo ka, ililibre kita."

"Hindi ako gutom." Lumipat ako sa bandang gilid para i-shoot ang bola. "Iba na lang yayain mo."

"Ayaw mo ba? Natatakot ka ba sa akin? Ayaw mo yatang matalo eh."

Lumipad sa kaniya ang paningin ko. May kayabangan din pala ang isang 'to. "Mayabang ka ah," tatango-tangong sabi ko. "Ganito na lang..." Humakbang ako palapit sa kaniya. "'Pag nanalo ako lalayo ka na sa akin. 'Pag nanalo ka lalayo na ako sa 'yo."

"Anong klaseng deal 'yon?"

"Big deal ang tawag do'n."

"I don't get it."

"Eh di 'wag na." Humakbang ako palayo sa kaniya at lumapit sa ring at nagshoot. "Takot ka yata eh."

"Hindi sa takot, hindi ko lang gusto 'yung deal. Manalo o matalo kailangan kong lumayo sa 'yo. Anong klaseng deal 'yon?"

"Big deal nga ang tawag do'n, bingi..." Inirapan ko siya at nagshoot ulit. Gusto ko na siyang lumayo. Hindi ko naman siya napapakinabangan eh.

"Bakit muna?"

"Tara laro na." Hinagis ko sa kaniya 'yung bola. Sinalo naman niya 'yon pero hinawakan niya lang at dinikit sa gilid ng balakang niya.

"Bakit muna?" Muling tanong niya.

"Boys! CC!" Sigaw ni Luke.

"Bakit Alex?"

"Matthew! 'Di ba sabi ko CC! Ano diyan ka na sa Basketball Girls?!" Sunod-sunod na sigaw ni Luke. Kunot noo siyang sinulyapan ni Matthew.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon