Chapter 68: SUKAT

171 18 1
                                    

🏰DARYLLE🏰

Martes na ngayon at wala pa kaming nasisimulan sa project namin! 'Yung usapan namin noong nakaraan nauwi sa drawing lahat. First week ng August ang pasahan at third week na ng July ngayon!

Dumadami na lalo ang mga gagawin. Nandito kami sa classroom ngayon. Lunch dapat namin ngayon pero hindi kami makakain dahil hindi naman matapos-tapos ang project namin sa ICT. Individual 'to kaya galit-galit muna. Kailangan naming gumawa ng logo para sa business namin kunwari. Wala akong maisip dahil hindi naman ako magaling sa ganito. Ang problema pa kailangan printed, eh hindi naman ako magaling sa computer.

Kanina pa ako nakatunganga rito pero wala pa akong nasisimulan. Parang gusto ko na lang bumagsak bigla.

Ge basketball pa...

My G!

Napakamot ako sa ulo ko habang nag-iisip kahit wala naman akong maisip. Pinagpipindot ko 'yung space bar ng keyboard ng laptop ko.

"Kainis..." Bulong ko. Sinabunutan ko pa 'yung ulo ko. Inaantok lang ako eh. Imbes na logo ang mabuo, antok eh.

I hate this day...

"Guys listen up!" Sumigaw ang president namin na abala rin sa paggawa ng logo niya. "May announcement daw si Kendrick."

"Sa lahat ng varsity mamaya na magsusukat para sa Sports Fest. May vacant tayong one hour mamaya, ang sabi ni Mrs. Gracia gamitin daw 'yun para makapagpasukat."

"Okay!"

"'Yon lang sige na tuloy niyo na ang buhay niyo!" Nagmadali naupo si Kendrick para ipagpatuloy ang ginagawa niya.

"Wala ka pang nasisimulan?" Tanong ni Oliver. Tumingin ako sa laptop niya, ang ganda ng sa kaniya samantalang sa akin malinis lang kasi wala pang nakalagay.

"Wala... Wala akong maisip."

"Ano ba gusto mong maging business? If ever?"

"Wala..."

"'Yon ang dapat mong unahin para makaisip ka ng magandang design."

"Suggest ka naman oh..."

"Wala akong masasuggest sa 'yo dahil hindi ko alam ang gusto mo," aniya.

"'Yung coffee shop niyo?" Napalingon ako sa gilid ko. Alam kong si Jason ang nagsalita. Nasa bandang unahan kasi siya.

Diyan pala siya nakaupo?

"Ano gagawin ko ro'n?" Tanong ko.

"Gawan mo ng bagong logo, sa inyo naman 'yon eh so wala naman sigurong problema."

Oo nga no...

Napangiti ako dahil may naisip ako kaagad. "Salamat..."

Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon?

Nagsimula na akong gumawa. Nagpatulong pa ako kay Oliver dahil hindi naman ako magaling sa mga ganitong bagay. Tinuruan kami ng ganito pero nakalimutan ko rin dahil Junior High School pa ako non.

"Tapos ka na?" Tanong ni Oliver habang sinesave at pinapasa ang gawa niya online. "Ang ganda na ah."

"Pwede na ba 'to?" Iniharap ko sa kaniya 'yung laptop. Tumango naman siya. Sinave ko kaagad ang gawa ko.  "Anong format?"

"Surname then comma tapos firstname then underscore PT."

"TY..."

"Welcome..."

Saktong pagkasend ko ng file ko pumasok na 'yung kasunod na subject teacher. Napaungot pa kami dahil bukod sa wala pang kain at hindi pa tapos ang iba ay nakalimutan pa namin na may quiz ngayon.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon