Chapter 158: GAY

136 12 0
                                    

🏰GUIONE🏰

Nagkatinginan na lang kami nila Luke ng makita namin sila Sean at Mina na pababa ng hagdan. Maikli lang 'yon at paikot pero kita silang dalawa dahil nasa taas sila kanina. Parehong-pareho kami ng suot ang kinaibahan nga lang, 'yung kulay ng kay Luke ang kapareho niya.

Same talaga!

Napapikit ako dahil pakiramdam ko pagsisimulan na naman 'yan ng gulo. Bakit naman kasi 'yung kapareho pa ng kay Luke?! Pwede namang sa akin na lang para walang masiyadong issue!

"You're wearing the same suit," sabi ni Tita Coreen. Napatingin din sa table namin ang mga bisita at umugong ang bulungan.  Napalingon pa rito si Tita Sarah, binulungan kasi ni Ate Shane. Sobrang sama ng tingin niya sa amin!

Malay ba namin...

"What a coincidence?" Napailing si Tito Carlos. Nababasa ko sa mukha niya ang pagkabalisa. Kumpleto na ang lamesang mahaba, ang mga Bughaw na lang talaga ang kulang.

Nagpalakpakan ang lahat ng makababa na ang dalawa at maupo sa upuan na inihanda para sa kanilang dalawa. Hindi ko lang magets, anong pakulo 'to? Ba't may padate? Dati naman si Sean lang ah? Ano Mina? Birthday mo rin?

Gusto ko lang matawa dahil parang nakakainsulto ang ginawa nila sa amin! Ibinukod nila kami ng upuan?! Seriously?! Eh dati naman magkakasama kami ah! Buti hindi sumama ang parents ko dahil kung nandito 'yon baka naglalakad na kami palabas sa lugar na 'to.

At ito pa, parents ni Mina 'yung nando'n kasama nila. Kasama pa 'yung kapatid na lalaki na mas matanda kay Mina dahil ang alam ko may trabaho na 'yan.

Ang galing...

Parang gusto ko tuloy asarin si Sean, ewan ko pero nagalit ako bigla. Nag-init ang dugo ko. Kung noong nakaraan pinagtatanggol ko siya ngayon parang ayoko na. Oo, hindi na kami magkakaibigan dahil sa tono lang ng pananalita niya noong nakaraan, kaaway na ang tingin niya sa amin.

Pero bakit niya kami inimbita?

Para ipahiya?

Naghiyawan ang mga estudyante ng Camp Bridge. Hindi ako sigurado pero wala namang ibang pupunta rito. Kami lang ang taga-Kingstone rito eh. Kabilaan ang asaran sa dalawang nasa harapan.

Anong nakakakilig diyan?

Nakakasuka kamo!

Biglang nanahimik ang paligid at parang naglaho na parang bula ang atensiyon kina Sean. Lumipat ito sa pinto na dahan-dahan ng bumubukas.

Ang mga Bughaw...

Nagtayuan ang lahat upang magbigay ng pag-galang. Napangiti ako dahil natanaw ko na si Marco na nakatingin sa lamesang mahaba. Siguro nagtataka siya kung bakit wala kami ro'n. Naagaw ang eksena dahil natuon 'yon sa pamilya ni Marco. Naglabasan ang cellphone ng ilan para kunan ng litrato ang mga Bughaw. Hinarang naman sila ng mga guwardiyang nakabantay para makadiretso ng lakad ang mga Bughaw.

"Ang gwapo ni Marco."

"Ang ganda ng damit nila."

"Te milyon na naman 'yan."

"Tsh, kurakot!"

"Kaya nga, saan kaya nila kinukuha no? Iyayabang pa nila eh nakaw lang naman nila 'yan sa bansa."

Lumingon si Tito Carlos sa likod dahil lumalakas na ang bulungan nila. Natahimik sila bigla at nag-iwas ng tingin. Marami ang nakakakilala sa pamilya nila Luke dahil kay Lolo Miguel. Kilala ang Lolo ni Luke sa pagiging strikto at perfectionist.

Kaya takot si Luke sa Lolo niya...

May nakapagsabi pa nga na mas mahigpit pa raw ang Lolo ni Luke kaysa sa Hari. Siguro kung irarank ang pinakasikat na pamilya rito sa ngayon, una ang mga Hernandez, sunod Alcantara, Madrigal, Jacobe at kung anu-ano pa.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon