🏰LUKE🏰
Tanghali na ako nagising 'cause we stayed late at night yesterday. Dito kami sa bahay tumambay. Grabe ang panghihinayang ko sa laro kahapon dahil isa lang ang lamang ng kalaban. Nasira rin ang laro ko dahil kay Sean.
Bwiset na bwiset ako sa mukha niya kahapon. Gustong-gusto ko siyang suntukin kahapon. Ngingisi-ngisi pa siyang kupal siya.
"Luke?" Narinig kong tawag ni Mommy habang kumakatok. "Wake up, Bridgette is here. She's looking for you."
"Wait!" Sigaw ko. Napabalikwas ako sa kama. Nagpunta ako sa CR, nagtoothbrush at naghilamos. I changed my clothes before opening the door. "Good Morning..." I greeted.
"Good Morning Love." She hugged me tight and kissed me on my right cheek.
"Yeah," tumango ako pero hindi ko alam kung bakit.
"Ready?"
"For what?" Kunot noong tanong ko.
"5th Monthsary natin ngayon," ani Bridgette.
"Really?" She nodded. "Sorry I forgot. Marami kasi akong iniisip."
"It's okay, I understand. Sige na magbihis ka na. I'll wait for you downstairs."
Marahan kong sinara ang pinto at muling nahiga sa kama. Tinatamad ako at inaantok at the same time. Nakakahiya naman kay Bridgette dahil siya lang ang nakaalala. Pumasok ako ulit sa CR and naligo. Nagshirt lang ako, shorts and rubber shoes.
Nakita ko sila sa living area. Nando'n sina Bridgette, Mommy and Daddy. They're talking about something.
"Anak come here," inutusan ako ni Mommy na lumapit sa kaniya. "Look oh, nagpost si Jeffrey Tan kahapon."
"Jeffrey Tan?"
"'Yung official photographer ng Royal Fam," sagot ni Mommy.
"Ah yeah," I nodded. Kinuha ko ang cellphone ni Mommy.
"Pinost niya kahapon ang mga pictures na 'yan."
Ini-scroll ko 'yun para makita ko 'yung mga pictures. Masiyadong malayo ang kuha. Kung pagbabasehan ang Camera shots macoconsider siyang Extreme Wideshot dahil sa layo niya. Pero kita naman na naglalaro sila. 'Yung unang picture, hinahabol ng mga bata 'yung babae na nakauniform ng KU. 'Yung pangalawa siya naman 'yung humahabol sa mga nata. 'Yung ikatlo, magkatapat 'yung babaeng taga-KU at 'yung batang babae na kalaro niya. 'Yung ikaapat naman, nakaupo sila sa upuan napapagitnaan nila 'yung babae at kumakain. At 'yung pinakahuli, nakayuko 'yung babae habang pinagmamasdan siya ng mga bata.
"I asked Bridgette kung kilala niya kasi nakapang-Senior High siyang uniform pero hindi niya raw kilala." Inabot ko kay Mommy 'yung phone niya.
"Masiyadong malayo kaya mahirap kilalanin," sabi ko.
"Ang cute no? I mean nakipaglaro siya sa mga homeless kids and she even gave foods and toys to those kids," ani Mommy.
"Marami nga ang natuwa. Trending ang batang 'yan sa social media," sabi ni Daddy.
"Pero hindi raw alam kung sino siya. Nag-message ako kay Jeffrey kanina, he told me na no'ng nilapitan niya raw ang mga bata para tanungin kung sino 'yung babae ang sabi Ate Ganda raw ang pangalan."
"That's cool. Buti may mga bata pang ganiyan ngayon," sabi ni Daddy. "Ang nakakatawa lang, kung friday nangyari 'yan at mukhang tanghaling tapat pa dahil tirik na tirik ang araw ibig sabihin nagditch ng class ang batang 'yan." Natawa pa si Daddy.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...