🏰MATTHEW🏰
Natigilan kaming lahat at napalingon sa may pinto dahil may narinig kaming umiiyak. Nakita ko si Mina kasama nila Guione at Luke. Umiiyak siya ng makapasok sa loob ng room. Nagkatinginan pa kami nila Kendrick at Georgina.
"Anyare sa 'yo gurl?" Tanong ni Kendrick kay Mina.
"'Yang kaibigan niyo pinagbibintangan si Mina na sumira ro'n sa lobo na ginagawa nila," galit na sabi ni Guione. Tinatapik niya ang balikat ni Mina. Nakita ko si Luke na medyo magulo ang buhok. "Dinala namin siya rito dahil pinagbabantaan nila."
"Nasira 'yung gawa nila?" Gulat kong tanong. Si Alex kaagad ang naisip ko dahil nakita ko kung paano nila 'yon pinaghirapan. Sila ng mga kasama nila.
"Oo at si Mina ang pinagbibintangan nila dahil lang nakita nila 'yung ID ni Mina ro'n sa ginagawaan nila," sagot ni Guione.
Nagkatinginan ulit kami nila Kendrick dahil alam naming hirap na hirap na silang gawin 'yon. Gahol pa sila sa oras.
"Sino naman ang nagsira?" Takang tanong ni Georgina. "Alam ba niyang perwisiyo siya? Kailangan na 'yon sa Friday."
"I don't know," humihikbi pa si Mina. "Bigla na lang silang dumating at inaway ako. Dala nila 'yung ID ko eh kanina pang umaga nawawala 'yon eh."
"Hala," ani Kendrick. "Pagoda Johnson na nga ang mga bwakla babalik pa sa simula." Pati ako nanghihinayang dahil nasira ang gawa nila. Ang hirap gawin non at sobrang matrabaho talaga.
"Tara sa POD," yaya ni Guione. "Hindi tama 'yung ginawa nila kay Mina. Nananahimik 'yung tao susugod-sugod sila ro'n. 'Yan si Audrey naging warfreak."
"Bunganga mo," saway ko. Pareho sila ni Luke, ang tindi magsalita.
"Ipagtatanggol mo pa brad? Kung nakita mo lang 'yung ginawa niya kay Mina, pati si Luke sinabunutan."
"Hindi basta-basta magagalit 'yon kung wala siyang ginawa." Tinuro ko si Mina, medyo duda kasi ako sa kaniya. Kaibigan ni Bridgette 'yan eh.
"So mas pinaniniwalaan mo 'yon?" Tinuro ni Guione 'yung pinto. "Kami ang kaibigan mo Matthew baka nakakalimot ka."
"Hayaan mo na 'yan," ani Luke. "Nagpapabida kasi kaya ganiyan." Sinamaan niya pa ako bago tumalikod. Sumunod sa kaniya sina Guione at Mina.
Sinundan ko sila ng tingin kaya hindi nakaligtas sa mata ko 'yung diyaryo na nakadikit sa likod ni Mina. "Saglit lang!" Pigil ko bago sila makalabas ng pinto. Magkakasunod silang lumingon sa gawi ko. Hinila ko si Mina at tinitigan ang diyaryo sa likod niya. Hinablot ko 'yun medyo nasira pa dahil basa nga 'yon. "Akala ko ba hindi ikaw ang sumira? Bakit may diyaryo ka sa damit?" Naramdaman ko ang paglapit nila Kendrick.
"Ewan ko," sagot ni Mina. "Baka dinikit lang nila 'yan kanina. Hindi ko na 'yon napansin. Malay ko ba kung habang sinasabunutan ako ng baliw na 'yon, dinidikitan na pala ako ng mga kasama niya niyan para ako ang madiin."
"Hoy hindi sila gano'n," asik ni Kendrick. Nakalukot na rin ang mukha niya. "Kanina no'ng nagkasalubong tayo nakita ko na 'yan sa likod mo."
"Sinungaling!"
"Ikaw ang sinungaling! Kanina ko pa 'yan napansin, hindi ko lang sinabi dahil hindi naman tayo close!"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
Fiction généraleBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...