Chapter 65: TRAINING

181 13 0
                                    

🏰ALEX🏰

Pangatlong beses ng tumunog ang alarm ko pero hindi ko pa gustong bumangon. Kailangan kong bumangon kasi gusto kong maging kasing galing ni Mama.

Sarap sa ears...

May Mama na ako!

Papa na lang kulang!

Ayoko ng kapatid...

Ayoko ng may kaagaw...

Sa akin lang ang Mama ko!

Nang bumangon ako, naligo ako agad. Wala ng almusal-almusal diretso training na. Pagkalabas ko ng bahay, bibig agad nila Buknoy ang narinig ko. Ang dami raw kasing dala ng kapatid ni Mother Uji. Tuwang-tuwa silang lahat dahil sa mga natanggap nila.

Bakit nga ba hindi ko naisip magbigay sa kanila?

Ang tagal-tagal ko ng nakatira rito pero wala man lang akong nabigay sa kanila maliban sa Php. 200, may kasama pang banta at pananakot. Huminga ako ng malalim, babawi na lang ako sa kanila.

Dapat ako rin may gift...

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-text kay Mama ng GOOD MORNING!

"Oh bakit hindi ka nakauniform?" Tanong ni Eric. "Ang aga pa ah. Hindi ka kakain?"

"Hindi na, bibili na lang ako. MU alis na ako!"

"Ang aga naman," ani Mother Uji.

"Mas maaga na po akong aalis mula ngayon at mas late ng uuwi."

"Hoy Ganda..." Namewang si Eric at naglakad palapit sa akin. "Baka kung ano na naman 'yang pinapasok mo ah?"

"Yiiiieeee!"

"Uy concern si Kuya Eric," ani Tupe.

"Kayo talagang dalawa..." Nakangiting sambit ni Mother Uji. "Ang aga-aga niyong magmahalan. Kayo na ba?"

"Alis na ako!" Pasalamat sila may Nanay na ako kaya good mood ako ngayon dahil kung hindi kanina ko pinektusan ang mga 'to.

"Hala! Hindi sumagot!" Narinig kong sigaw ni Tupe habang palabas ako. "Sabi ko na nga ba! Magjowa ang dalawang 'yan eh! Nahuhuli ko 'yan naglalandian 'pag madaling araw!"

Pinagsasabi nito?

Bahala kayo sa buhay niyo...

Nagmasid ulit ako sa paligid. Mukhang wala namang kakaiba. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari noong Sabado. Kung wala si Mama malamang patay na talaga ako.

Bigla akong natakot mamatay...

Kasi naalala kong may maiiwan pala ako...

Si Gloria, Darylle, Mama at ang mga kaibigan ko...

Sila MU pa...

Ayokong umiyak ang Mama ko...

Pero ang galing niya talaga! Sa lahat ng bagay ang galing-galing niya. Gusto ko rin subukan ang ginawa niya pero baka makulong ako. Ayoko namang makulong no! Lumabas nga ako dahil bored ako tapos makukulong naman ako.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon