🏰DARYLLE🏰
Una kaming nagpunta sa Mall para bumili ng short ni Alex pero dahil malamig na jogging pants na lang ang binili niya.
Dumiretso agad kami sa perya. Doon namin naisip pumunta dahil hindi pa nakakapunta ro'n sina Cassey, Sydney at Georgina. Una kaming sumakay ng Carousel, ayaw sana namin dito dahil masiyadong pambata pero ang sabi ni Kendrick dito raw kami para romantic. Mala-Stairway to Heaven daw ang peg!
Bakla talaga...
Sunod kaming sumakay ng Ferris wheel. Dalawahan lang ang kaya kaya nagpartner-partner na lang kami. Ako at si Alex, Georgina at Kendrick at si Cassey and Sydney. Kung ano-ano ang sinisigaw ni Kendrick habang nasa taas. Sumakay din kami sa roller coaster. Magkandabingi-bingi na ako sa boses nila Sydney at Kendrick. Samantalang si Alex seryoso lang habang kami namumutla na sa takot.
May napansin akong kakaiba. Maraming tao pero parang hindi siya natatakot. Kahapon ko lang napansin 'yon, parang takot siya sa matataong lugar at maiingay na rin.
Nang makababa kami sa roller coaster dumiretso kami sa horror train pero ayaw nila gusto nila sa horror house para raw may thrill kasi naglalakad.
"Oh my God!" Sigaw ni Kendrick ng makapasok kami sa loob. Hindi pa masiyadong nakakatakot.
"Aaaaaaa!!" Nagtilian kami sa gulat.
Joke lang nakakatakot pala...
"Para 'yun lang," ani Alex. Nauna siyang maglakad sa amin. Nagdikit-dikit naman kami nila Kendrick.
"Aaaaa!"
"Aaaaa!"
"Ayoko na! Labas na tayo!" Nagtitili si Cassey at nagmadaling maglakad. "Saan ang daan palabas?"
"'Yon ang thrill ng game. Hanapin kung saan ang daan palabas," sabi ni Alex. "Alam ko 'to dati pero mukhang iniba na nila."
Sobrang laki nito paano namin hahanapin ang daan?
May mga nakasalubong kaming bumalik dahil hindi raw doon ang daan kaya sinundan na lang namin sila.
"Aaaa!" Muli kaming napasigaw ng biglang may bumagsak na multo-multo sa daan. Luwa ang mata niya at pugot ang ulo.
"Georgina! Sabihin mo sa parents ko mahal na mahal ko sila!" Sigaw ni Kendrick.
"Letse ka! Manahimik ka!"
Diniretso namin ang daan. May parang dagat ng dugo ro'n. Halos masuka na si Sydney sa nakita niya kaya nahawa sina Cassey.
"Paano tayo makakatawid?" Tanong ni Kendrick.
Nilibot ni Alex ang paningin niya. May nakita kaming nakakatakot ma mummy sa gilid. Tinumba niya 'yon at kinuha ang plank na nasa likod non.
"Buti hindi nila 'to binago," nakangiting ibinagsak ni Alex ang kahoy para maging tulay. "Tara," yaya niya.
"Bakit mo alam 'yon Alex?" Tanong ko.
"Noong unang beses na binuksan 'to isa ako sa pumasok. Ako ang pinakaunang nakalabas dito. Mag-isa lang ako no'n dahil lahat sila may kasama. Wala bumuntot sa akin kaya ako ang pinakaunang nakalabas. Nakatanggap ako ng reward."
"Talaga? Ang galing naman."
"Sh*t!" Napamura si Alex.
"Bakit?" Tanong namin.
"Dapat tapos na 'to eh." Napatingin kami sa parang kweba na mas madilim pa kaysa sa una. "Hindi ko alam 'to." Umatras siya at dumikit sa amin.
Takot din pala eh...
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...