Chapter 84: ENCOUNTER

152 14 0
                                    

🏰MARGA🏰

"Marga tama na 'yan," awat sa akin ni Shane. Nandito kami sa bar at ine-enjoy ang buhay. "Baka hinahanap ka na sa inyo."

"Hindi naman ako importante ro'n kaya wala namang maghahanap sa akin." Pinagpatuloy ko lang ang pag-inom dahil kaya ko pa naman. Tinawagan ko na rin si Marco para magpasundo. Siya lang naman ang pwedeng magsundo sa akin dahil malalaman ng mga Royal Guard na lumabas ako kung sa iba ako magsasabi.

"Ano ka ba? Hindi lang ikaw ang pagagalitan ako rin for sure."

Wala naman akong ibang mayaya kundi si Shane lang. Hindi ko siya masiyadong close pero pwede na. Wala rin akong kaibigan dahil nasa palasyo lang ako since birth.

"You know what? Naiinis ako diyan kay Luke. Hindi talaga ako pinapansin," inis kong sambit bago tinungga 'yung huling baso.

"Marga tigilan mo na kasi 'yan. He's younger than you."

"Age doesn't matter!"

"It does Marga. I bet he isn't the type of guy na papatol sa mas matanda sa kaniya. Marami pang iba diyan."

Yumuko ako at nilaro ang bracelet ko. "But I like him..."

"But he's not into you."

"Oo na 'wag mo na ipamukha!"

"I'm just telling the truth. Maghanap ka na lang ng iba."

"How? I can't even talk to others. I'm tired of sneaking out." Bumuntong hininga na lang ako. Kung pinayagan lang siguro ako ni Lolo na mag-aral sa school at hindi sa bahay baka may kaibigan din ako. Pinagmasdan ko 'yung mga tao sa bar. Masaya silang nagsasayaw at nag-iinuman. "Bakit nga pala hindi na nagpapakita si Sean? Ang tagal ko na siyang hindi nakikita."

"Nagpo-focus siya sa pag-aaral 'yon ang deal nila ni Lolo Arnold."

"Bakit ba kasi nagbubulakbol 'yang kapatid mo?" Tumingin lang siya sa akin at hindi na sumagot. Narinig ko kay Marco na nagaway-away daw ang mga kaibigan niya. Wala siyang kinakampihan pero si Luke ang madalas niyang kausap so alam na.

"Manonood sila sa Sports Fest sumama ka naman para magkafriends ka," aniya. Every year nanonood sila ng Sports Fest pero never akong sumama. Wala kasi akong hilig sa Sports at isa pa hindi rin naman kami pinapayagan. Ngayon na lang ulit kami pinayagan ni Lolo kaya napag-usapan 'yon noong nag-dinner. Sila-sila lang ang nakakanood, kami nila Papa hindi dahil bawal.

"Manonood ka ba?" Tanong ko.

"Oo naman, nanonood ako non dahil kay Sean and siyempre nakakamiss din 'yung gano'n no."

"Sige," pagpayag ko. "Panonoorin ko si Luke." Napangiti ako sa naisip ko. First time ko siyang makikitang maglaro.

"Okay fine, mukhang hindi naman na kita mapipigilan." Napapikit siya ng lagukin niya ang alak. "Tara na," yaya niya. Tumayo na kami at nagbayad. Pinagmasdan ko ulit ang buong bar habang naglalakad kami.

"Ouch!" Sigaw ko. May sumanggi sa akin na babae. Sumasayaw kasi sila ng mga kaibigan niya. Tumama ang kamay niya sa balikat ko.

"Sorry," sabi niya.

"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo!" Inis na sabi ni Shane sa babaeng nakasanggi sa akin.

"Kung dadaan kayo doon sa kabila kasi dancefloor 'to," sabi ng kasama niya.

"We don't care! Dadaan kami kahit saan namin gusto!" Galit na sabi ni Shane.

"'Yon naman pala eh! 'Wag kayo magreklamo 'pag nabangga kayo!"

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon