Chapter 102: BAGYONG BOA

163 10 0
                                    

🏰ALEX🏰

"Coach..." Usal ko nang makita ko si Coach Reiven na bumaba mula sa sasakyan.

"Oh?" Gulat siyang napatingin sa akin. "Ano ginagawa mo rito?"

"Ikaw ang dapat kong tanungin. Anong ginagawa mo rito?" Nakaramdam ako ng inis dahil buong akala ko mabait siya. Hindi naman pala, manloloko siya.

"Dito ako nakatira eh," sagot niya.

"Bakit mo ako pinapapatay? Ano bang ginawa ko sa 'yo?"

"Hindi mo naiintindihan okay? Hindi kita pinapapatay," nakangiting sambit niya. Mukhang natural pa rin naman 'yon pero hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko sa kaniya. "Pumasok tayo sa loob para mas magkaintindihan tayo."

"Sige," pagpayag ko. Nasabihan ko naman 'yung taxi driver kanina eh.

"Si Mamba lang ang makakapagpaliwanag nito. Napag-utusan lang naman ako dahil wala rin akong mapagka-abalahan." Pumasok kami sa bahay na 'yon. Kung saan-saan pa kami dumaan bago namin marating ang kinatatayuan namin ngayon. "Pasok ka," aniya. Binuksan niya ang pinto. Nakita kong may nakatayo na tatlong lalaki. Nakatingin sila sa view sa labas. Maganda 'yon, nakakawala ng pagod.

"Codename?" Tanong ng isa. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagtanong dahil nakatalikod silang lahat.

"Python," sagot ni Coach Reiven. "Kasama ko ang anak ni Boa."

Boa?

Sino 'yon?

Nakangiting humarap sa amin 'yung nasa gitna. "Siya pala 'yung maingay sa labas. Manang-mana ka talaga sa pinagmanahan mo."

"Sino 'yan?" Tanong ko kay Coach Reiven.

"Si Mamba 'yan," sagot niya. Tinuro niya 'yung nasa kanan ni Mamba. "'Ayun naman si Anaconda at 'yung isa si Viper."

"Bakit gano'n ang pangalan niyo?" Tanong ko sa tatlong matandang pangit. "Ang papangit... Kasing pangit niyong tatlo." Isang malakas na tawa ang nangibabaw sa loob ng kwartong 'to. Lalong nangunot ang noo ko.

"Tama ang sinabi ni Boa," sabi ni Viper. "Sinungaling ka nga..."

"Hati ang mukha ng batang 'to," ani Anaconda. "Pinaghalong mukha ng mga magulang niya."

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Mamba. "Namimiss mo rin ba ako, katulad ng pagkamiss ng Mama mo sa akin?"

"Hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niyong mga pangit kayo," inis kong sambit. "Ikaw din, pangit ka na rin." Baling ko kay Coach Reiven.

"Maupo ka hija," ani Mamba. Naupo siya kasabay ng dalawang pangit sa gilid niya. Si Coach Reiven naman sinenyasan akong maupo na rin. "Bakit ka ba nandito? Alam ba ng Mama mong nandito ka?"

"Kilala mo ang Mama ko? Alam niyang pinapapatay mo ako?"

"Pinapapatay?" Gulat niyang tanong. "Pinapabantayan ka lang niya sa akin. 'Yon ang alam ko. Kung may gustong pumatay sa 'yo, hindi kami 'yon."

"Kilala mo ba ang Mama ko?" Pag-uulit ko sa tanong niya.

"Kilalang-kilala..."

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon