🏰DARYLLE🏰
Paano nangyari 'yon?
Alam ba ni Tita at Mama ang tungkol diyan?
Kaya ba ayaw niyang sabihin kung saan siya nakatira, dahil may ka-live in na siya?
Ano na lang ang sasabihin nila Mama? Ni Tita?
Alam niya ba talaga?
At ano 'yung sinasabi niya kanina? Papa?
Sino naman 'yon?
Gulong-gulo na ang utak ko. Hindi naman kasi ganiyan ang pagkakakilala ko sa kaniya. Ibang-iba sa totoong siya, hindi ako makapaniwalang halos makipagpatayan na siya para lang sa lalaki.
"Ang sweet naman ni Alex," sabi ni Cassey habang pinapanood siyang punasan ng pawis 'yung lalaki.
May mali eh...
Kanina ko pa napapansin si Matthew, ang sama ng tingin niya. Kanina pa kasi niya tinatawag si Alex, ewan ko kung hindi niya ba talaga naririnig o nagbibingibingihan lang talaga.
Lalo na si Luke...
Para ng nilagyan ng tape ang kilay niya sa sobrang pagkakadikit. Ano bang problema ng nga 'yan?
Pumito na ang referee kaya isa-isa na ulit pumwesto ang mga players. Malapit na pala matapos ang laro, 20-17 ang score.
CBU ang lamang...
Nakita kong naglalakad na si Alex pabalik sa amin. May kausap siya sa phone, sinabayan pa siya ni Liezel. Nakikipaglaban sa kaniya ng paglakad pero sadyang busy talaga si Alex kaya hindi siya pinapansin. Nagulat ako ng biglang pasimpleng sipain ni Alex 'yung paa ni Liezel kaya natumba siya. Si Alex naman dire-diretso lang na naglakad na parang walang nangyari.
Nagtawanan ang mga tao dahil akala nila eh nadapa lang 'yung babae. Ang bilis kasi kumilos nitong si Alex eh, hindi mo mamamalayan.
Palihim kung dumali...
Tumayo 'yung babae at akmang sasabunutan si Alex pero humakbang siya pakanan kaya naurangod na naman 'yung babae. Ni hindi niya man lang tinignan 'yung babae. Chill na chill niya lang na inilagay ang cellphone sa bag.
"Ano? Break na kayo?" Mapang-asar na tanong ni JC. "Hiwalayan mo na 'yon."
"Eh kung 'yang bibig mo kaya ang paghiwalayin ko?" Pagalit niyang tanong. Medyo nag-iba ang awra niya. Kung kanina ngiting-ngiti ngayon naman nakabusangot na.
Nag-away siguro...
"'Yan kasi..." Narinig kong sabi ni Luke.
"May sinasabi ka?!" Galit na tanong ni Alex kay Luke. "May problema ka ba ha?!" Inis lang na umiwas ng tingin si Luke. Maski ako nagugulat sa kinikilos ng isang 'yon.
Biglang tumigil sa harap namin si Liezel. Ang sama ng tingin niya kay Alex. "Humanda ka sa amin. Aabangan kita mamaya sa labas. Gusto mo ng gulo ah. Fine! Bring it on! B*tch!" Bago siya tuluyang makalayo ay natumba na naman siya.
Si Alex talaga...
"Bakit mamaya pa? Eh pwede namang ngayon na?"
"Mamaya ka lang sa akin," sabi niya ng makatayo.
Nakangiting hinabol ni Alex ng tingin si Liezel. "Maghantay ka lang parating na ang alas ko." Binaling niya ulit ang tingin sa laro. Lumakas na naman ang sigawan dahil 'yung 'boyfriend' na naman ni Alex ang magseserve. Nakangiti siyang naglakad habang nakatingin kay Alex. Nag-thumbs up siya na parang may tinatanong. Nag-thumbs up din si Alex at maangas siyang tinanguan.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...