🏰ERIC🏰
Pasaway talaga 'tong si Ganda. Akala ko pa naman nakangiti siya habang kausap ako. Huling-huli ko panay ang irap. Tumawag din sa akin si Ate kanina, sinumbong niya sa akin 'yung sumagot daw sa tawag ko. Sigurado ako, si Ganda 'yon. Base sa kwento ni Ate mukhang si Ganda nga 'yon.
Sinabihan daw siyang pangit eh...
Alam na!
"Tara na dito," tawag ko sa kaniya. NakaT-shirt siya na itim na may kalakihan at pedal na maong. Hanggang ibabaw ng tuhod niya ang haba. Nakarubber shoes na puti at nakasumbrerong itim. Malayo pa nakanguso na, panay ang tingin niya sa kaliwa tapos lilipat sa kanan. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin dahil alam niyang may kasalanan siya. At hindi siya pwedeng tumanggi dahil na-caught on cam ko siya. Natawa ako nang makita ko ang hitsura niya. Kung iba ang gagawa niyan mukhang tanga pero 'pag siya nakakatawa. "Ayan panay na naman ang pagpapacute mo sa akin. May kasalanan ka kasi."
"Sorry na Baby..." Lalo akong natawa. Pinanindigan niya na talaga 'yung Baby.
Pasaway talaga...
"Tsk," nagpanggap akong galit. Palihim ko siyang sinulyapan. Nakayuko siya tapos 'yung kamay niyang nasa gilid nakahawak sa jogging pants niya.
Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin habang ang mata ay nasa kaliwang gawi. Tumingin siya sa akin at kumurap-kurap ng ilang beses. "Sorry na..." Akma siyang yayakap sa akin.
"Hoy..." Saway ko sa kaniya. "Pasaway na 'to, oo na sige na. Pinapatawad na kita pero ngayon lang 'to ah." Parang bata siyang tumango. "Sakay na," utos ko.
"Salamat," nakangiting sabi niya. "Eric?"
"Bakit?"
"Buksan mo," aniya. Tinuro niya 'yung pinto.
"Ikaw na!" Kapag siya talaga 'yung kausap napapasigaw ako eh.
"Sige na," sabi niya at akmang yayakap na naman.
"Oo na, nakakatakot ka talaga." Nagmadali akong buksan ang pinto para hindi na siya magkulit.
"Salamat..."
"Ilibre mo ako, gutom ako." Sinarado ko na 'yung pinto. Nagmadali na rin akong maglakad paikot.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya nang makasakay ako. "Bibilhin ko kahit anong gusto mo."
"Kahit ano," sagot ko.
"Arte," bulong niya.
"Narinig ko 'yon." Nagsimula na akong mag-drive.
"'Wag mo na kasi akong sungitan!" Nagmamaktol niyang sambit. Ang sama na ng tingin sa akin.
"Hindi ako nagsusungit. Pasaway ka lang talaga. Sa'n ang punta natin Ma'am? Wala akong metro kaya ikaw na bahalang tumantsa ng pamasahe mo."
"Grabe naman..."
"Oh bakit? May angal? Sige pwede ka ng bumaba."
"Oo na! Letse ka!"
Inasar ko siya ng inasar habang nasa biyahe kami. Alam ko naman kasi na hindi siya uubra sa akin ngayon dahil may kailangan siya. Hindi ako iiwan niyan, tamad 'yan eh. Sigurado, isang hakbang pa lang niya pagod na 'yan.
Magpapabuhat na...
Pumasok kami sa mall pero nagyaya agad akong kumain dahil gutom na talaga ako. Ako ang namili ng kakainan namin. Ako rin ang nasunod ng kakainin namin.
"Galit ka pa?" Tanong niya. Dumating na 'yung order namin at nagsisimula na kaming kumain.
"Oo, kasi ginutom mo ako samantalang ako ayaw kong nagugutom ka."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...