🏰ALEX🏰
Kanina pa ako nag-iiyak-iyakan dito dahil wala na naman ang Mamaw ko. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta pero kanina pa sila wala rito at mukhang walang balak umuwi ang mga pangit na 'yon.
Tinataguan siguro nila ako...
Hindi pwede!
Sila Darylle nando'n sa VIP suite ni Tito. Doon na sila matutulog dahil wala pa sila Tita Gloria'ng pagkapangit-pangit. Tinamad na akong umiyak kaya nagtulog-tulugan na lang ako. Minulat ko ang isa kong mata kaya nakita ko ang oras.
Eleven na!
Nasa'n na kaya 'yon?!
Baka nagdidilig na naman sila!
Baka mabuhay ang halaman!
Hindi ako papayag!
Pumikit ulit ako dahil nakita kong sumilip si Kuya sa akin. Nakita ko siyang tumalikod kaya minulat ko ang isa kong mata. "Manolo? Nasa'n na sila? Bakit ang tagal?" Tanong ng Kuya ko kay Manolo'ng pangit. "Sige, itatrack ko muna." Pumikit ulit ako pero naaninag ko ang Kuya ko. Kinuha niya ang laptop sa bag tapos nagdudutdot do'n. "Ang layo naman ng narating nila," sabi niya sa sarili niya. Kinuha niya ulit ang cellphone at may tinawagan. "Okay na, susunduin ko na lang kayo diyan sa bahay niyo." Hindi na niligpit ni Kuya ang mga gamit niya at nagmamadaling lumabas.
Bumangon ako kaagad at binitbit ang unan ko. Inalis ko rin 'yung nakakabit sa kamay ko dahil hindi naman 'yon importante. Nakita ko si Kuya na kausap ang mga nagbabantay sa akin. Inunahan ko na siyang makasakay sa elevator dahil sigurado akong sa parking lot ang punta niya.
Yakap-yakap ko ang unan hanggang sa parking lot. Hinanap ko ang kotse ni Kuyang pangit at nakita ko 'yon sa 'di kalayuan. Nagtago lang ako sa ibang sasakyan at hinantay na dumating siya dahil sarado ang kotse niya.
Nakita ko na si Kuya na naglalakad, kasunod non ang pagtunog ng kotse niya kaya alam kong bukas na. May tumawag na naman sa kaniya kaya naging busy siya. Pumasok ako sa likod ng kotse niya. Nagtago ako para hindi niya ako paalisin. Umalog ng kaunti ang sasakyan kaya malamang pumasok na si Kuya sa loob. Unti-unti ng lumamig sa loob at naramdaman ko ng umandar na kami. Nakahiga ako rito habang nakayakap sa unan ko.
Yari ka sa akin Mamaw!
'Pag nakita kita ikikiss kita!
Maya-maya pa ay narinig ko na ang boses ng magkapatid na pangit kaya nawalan ako ng gana at natulog na lang dahil sa sobrang pangit nila. Nagising ako dahil sa ingay nilang tatlo.
"Bakit tatabingan natin ang mukha natin? Pahirap lang 'to eh," si Bradley'ng pangit siguro ang nagsasalita. Ang boses niya kasi ang pinakahindi pamilyar sa akin.
"Para surprise," sabi ni Kuya.
"Bakit dito tayo sa likod dumaan?" Muling tanong ni Bradley.
"Pwede ba, Bradley? 'Wag ng masiyadong maraming tanong. Tama rin na tabingan natin ang mukha natin at dito sa likod dumaan dahil hindi naman tayo magpapakita sa kanila. Baka katayin tayo ni Boa, tutulong lang tayo," paliwanag ng Kuya niyang pangit.
Bakit ang pangit nila?
"Tara na," yaya ni Kuya. Nagmadali akong lumabas sa sasakyan. Hindi ko alam kung napansin ba nilang lumabas ako pero mukhang hindi naman. Nagmadali silang pumasok sa loob ng pangit na bahay na 'yon.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...