🏰DARYLLE🏰
Gabi na pero gising na gising pa rin ako dahil hanggang ngayon wala pa rin akong balita kung nasaan ba si Alex. Kahit sina Kendrick hindi napapakali sa GC namin. Tanong sila ng tanong pero wala naman akong ibang maisagot sa kanila kundi, hindi ko alam. Hindi ko rin sinabi kina Mama ang tungkol dito dahil baka mag-alala sila. May tiwala naman ako kay Tita pero kay Alex?
Wala...
Mainitin ang ulo niya 'pag ginusto, gusto! Nag-aalaa pa rin ako hanggang ngayon kaya hindi ako makatulog. Sa tuwing tutunog ang cellphone ko natataranta ako. Katulad ngayon, napatayo ako bigla ng marinig kong tumunog ang cellphone ko.
__________________________________From: Eric
Good evening Darylle! Nandito na si Ganda. Bukas mo na siya tawagan kasi baka pagod na siya. Tulog na rin yata. Salamat!
__________________________________Makaasta naman 'to akala mo inaano ko si Alex eh. Opo, hindi po ako tatawag kasi baka maistorbo ko ang Ganda mo.
Tsk...
Umayos na ako ng higa. Kahit papaano ay nakahinga na ako ng maluwag pero gusto ko pa ring alamin ang nangyari. Kinuha ko ang cellphone ko at nagchat sa GC namin.
__________________________________KENDRICK'S ANGELS
Darylle De Vera: Nasa bahay na raw nila si Alex, pwede na kumalma.
Kendrick James Bautista: Weh? Sure ba 'yan?
Georgina Henson: Anong oras? Kanina pa?
Sydney Angelique Zoñio: Saan daw galing? Okay naman siya? @Danica De Vera Youhoo!
Cassandra Castañeda: Yehey!
Darylle De Vera: 'Di ko pa alam eh, tinext lang sa akin ni Eric.
Kendrick James Bautista: Ay sana all!
Sydney Angelique Zoñio: @Darylle De Vera baka naman po...
Kendrick James Bautista: Kahit 'yung last digit lang kasi tanda ko pa naman 'yung unang anim na number.
Darylle De Vera: Baka magalit... Hahahaha
Sydney Angelique Zoñio: Sana all may number ni Eric!
Georgina Henson: @Danica De Vera Okay ka lang te?
Darylle De Vera: 'Wag niyo bulabugin tulog na raw sabi ng Eric niya.
Georgina Henson: Sana all nga!
Kendrick James Bautista: Baka pwede makahingi kahit isang pandesal lang Alex! Baka naman...
Sydney Angelique Zoñio: Alex ihimas mo na lang ako hahahaha
Cassandra Castañeda: Go go green! 💚💚💚
Darylle De Vera: Kaya nagagalit sa 'yo si Ace eh.
Cassandra Castañeda: Sus! Reasons!
Kendrick James Bautista: In fairness ha? Ang gwapo naman pala talaga ni Papwa Ace! Pati 'yung mga kaibigan niya except kay Sean wahahahahaha
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...