Chapter 137: ALEX DANCE CRAZE

147 7 0
                                    

🏰DARYLLE🏰

Nakabusangot kami nila Alex habang naglalakad papunta sa Gym. Hindi man lang kami nakapagpalit dahil ang sabi ni Georgina kailangan na raw kami ro'n. Busy sila Sydney sa kakaisip ng ipapalusot ni Jason kung sakaling okrayin siya ni Coach Limer.

Narinig na namin ang malakas na sigaw ng mga varsity sa loob. Natanaw namin si Kendrick na nasa unahan dahil siya ang nagtuturo ng yell.

"Darylle!" Tawag sa akin ni Yiren. Tinuro niya ang bakanteng upuan sa tabi nila. Magkakatabi yata ang magkakateam dahil si Georgina sa tabi ng mga kateam niya naupo. Nasa unahan ang Basketball Girls at nasa likod naman namin ang boys.

"Vasquez, come here." Nakaupo si Coach Limer sa pinakadulong upuan. Katabi niya ang mga Assistant Coach niya. Hindi namin marinig ang usapan nila dahil sa ingay. Napapagitnaan ako ni Alex at Sydney. Si Sydney ang umupo sa tabi ni Yiren.

"K!" Sabi ni Kendrick. Sobrang lakas na ng boses niya tapos naka-mic pa kaya rinig na rinig talaga. "Then apat na clap. I, tapos palakpak ulit. N, four claps, G, S, T, ONE, U! Ganern ha?"

"Okay!"

"Kendrick, apat na clap lang lagi?"

"Yes!" Energetic na sagot ni Kendrick. "Hoy may award na Best in Yell ha? Dapat sa Haringbato 'yan mapunta!"

Napalingon ako sa projector. Nandoon kasi ang yell namin. Hindi ko pa alam ang tono dahil hindi ko pa naman naririnig ng buo.

"Okay from the top!" Anunsiyo ni Kendrick habang nakaturo sa ulo niya. Nagsimula na ulit silang magcheer.

"Bakit tagalog?" Tanong ni Sydney kay Yiren.

"Alangan naman Chinese," sabi niya sabay tawa. "Tagalog kasi buwan ng wika. Kahit ang program ng Sports Fest tagalog dahil buwan ng wika natatapat."

"Ahh..." Pati ako napatango. Hindi ko kasi maramdaman ang Filipino Club palibhasa busy ako.

Medyo nakukuha ko na ang tono dahil madali lang naman 'yon. Narinig kong naghikab si Alex, napatingin ang iba sa kaniya kaya umayos siya ng tayo at pumalakpak. Lalo siyang pinagtinginan dahil tapos na kaming pumalakpak, siya pumapalakpak pa rin.

"Hoy umayos ka nga," sabi ko sabay tawa.

"Pinapalakpakan ko kayo kasi ang galing-galing niyo," palusot niya. Nagkatinginan muna kami ni Sydney bago natawa.

"Danica panoorin mo ako ang galing ko," sabi ni JC pero hindi man lang siya nilingon. "Oo nga sabi ko nga papansinin mo ako eh. Kawawa sa 'yo! Matanda ang hanap!" Mabilis akong lumingon sa kaniya. Nakita kong siniko siya ni Yixing. Nasa likod kasi namin sila. Ngumiti lang siya sa akin ng makitang nakalingon ako. Binalik ko ang tingin ko sa unahan at nakisama na lang. 

Nagtuloy-tuloy ang practice namin. Nilalagyan na nila Kendrick ng konting steps ang yell namin.

"Ito ang tinatawag na Kendrick's wave." Pinangalanan ni Kendrick ang step na tinuro niya. Para 'yung wave sa katawan, magmumula sa taas pababa.

Ang laswa...

Sayaw ng mga bakla!

Wahahahahahaha!

Pinapangalanan ni Kendrick ang mga steps na tinuro niya. Para siguro mas madaling matandaan.

"Let me see, Kendrick's wave!" Sabi niya. "One, two, three, Kendrick's wave! There you go!"

"Wooooh!" Naghiyawan ang mga nasa paligid namin. Naestatwa kami nila Sydney dahil nagkakahiyaan pa ng kaunti. Marunong naman ako sumayaw pero 'pag kailangan lang.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon