Chapter 60: MAMBA

176 15 0
                                    

🏰GLYDEL🏰

Nang makarating kami sa isang napakagandang mansion agad na naglapitan sa akin ang mga tauhan ni Mamba. As usual mga nakaitim na naman ito. Kapansin-pansin din ang fountain sa gitna ng bahay. Itim na Mamba at sa bibig nito lumalabas ang tubig. Naglapitan sila para kapkapan ako.

"'Wag niyo hahawakan 'yan kay Mamba lang 'yan," nakangising sambit ni Python. "Let's go." Mabilis na bumalik ang mga tauhan ni Mamba sa kinatatayuan nila kanina.

"Bago ang mga 'yon ah," sabi ko habang pinagmamasdan silang lahat.

"Bago lahat 'yan, lima na lang tayong natitira. Ikaw, ako, si Mamba, Anaconda at si Viper."

Naging matunog ang pagngisi ko. "Hindi na ako kasali sa inyo. Apat na lang kayo."

"Ewan ko sa 'yo..." Binuksan niya ang malaking pinto. Napakalaki ng bahay na 'to. Kamangha-mangha dahil hindi ko akalain na magkakaroon si Mamba ng ganito. "Mamba," tawag ni Python.

Nakita ko ang tatlong pamilyar na lalaki na nakatalikod sa amin. Nakaharap sila sa salamin at tinatanaw ang siyudad na tanaw na tanaw mula rito.

"Codename?" Boses ni Mamba ang nangibabaw sa apat na sulok.

"Glydel," sabi ko. Naupo ako sa couch. Magkaharap 'yon pero sa kanang bahagi ako naupo.

"Hindi 'yan ang inaasahan kong marinig." Sabay-sabay silang lumingon sa gawi ko. "Long time no see Boa. Kamusta ka na?"

"Mabuti naman," nag-de quatro akong pang babae. "Kayo? Mukha na kayong mga..." Natawa ako bago ko sabihin ang huling kataga. "Anghel..." Napahagalpak ako ng tawa. "Nasa langit na ba 'ko? Hindi ko inaasahan na dito ako mapupunta. Akala ko sa impiyerno."

"Napakaganda mo pa rin," ani Viper.

"Oh? Ang sabi ng alaga ko pangit daw ako."

"Sinungaling siya kung gano'n."

"Tama ka diyan," napangisi ako habang inaalala ang mukha ng batang 'yon. "Mula ng makalabas siya natuto na siyang magsinungaling. Maiba ako, anong kailangan niyo?"

"Wala naman kaming kailangan sa 'yo eh," si Anaconda.

"Oh bakit ako pinapunta dito? T*ngina ka Python talksh*t ka ah!" Binato ko ng throwpillow si Python at 'yon ang hindi niya naiwasan.

"Easy lang, ang init ng ulo mo."

"Huwad ang isang 'yan kung hindi mainit ang ulo niyan. Kailan ba lumamig ang ulo ni Boa?" Tumawa ng malakas si Anaconda. Lumipad ang tingin ko sa kaniya na nagpahinto sa kaniya. "Biro lang..."

Takot pa rin sa 'kin...

"Anong ngang kailangan niyo?" Nauubusan na ako ng pasensiya baka pabulagtain ko na ang mga 'to at isabit sa apat na sulok ng silid na 'to tutal apat naman sila.

Naglakad si Mamba palapit sa upuan. Nagsunuran naman ang tatlo at naupo rin. Katabi ko si Viper at katapat ko naman si Python. Katabi ni Python si Anaconda at nasa gitna si Mamba.

"Ang anak ko Glydel? Nasa'n na si Danica? Kamusta na siya?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang sunod-sunod na tanong ni Mamba.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon