🏰DARYLLE🏰
Naglalakad na ako papasok sa school. Lumilipad pa rin ang utak ko dahil sa sinabi sa akin ni Mama kanina.
Ang sabi niya, 'pag may nagtanong daw sa akin kung si Tita ba talaga ang Mama ni Alex, ang sabihin ko raw oo.
Bakit?
Eh ang alam ng lahat, hindi siya ang Mama ni Alex. Hindi naman talaga siya ang Mama ni Alex eh. Bakit parang biglaan naman?
Naguguluhan na talaga ako...
"Darylle! Tara dito!" Sinenyasan ako ni JC na lumapit. Abala sila sa pagkukumpulan sa bench, kasama nila si Coach Limer. 'Yung iba naming kateam, nakaupo rin sa gilid.
"Darylle!" May kamay na pumulupot sa braso ko, dahil narinig ko ang boses niya alam ko na. "Good Morning! Kailan tayo gagawa ng project?"
"Bukas, magmemessage ako sa group sa bahay na lang tayo gumawa."
"Darylle dali!" Sigaw ni JC.
"Bakit?" Kunot noong tanong ko. Kinusot-kusot ko 'yung mata ko dahil inaantok pa ako. Naghikab pa ako kaya tumalikod ako sa kanila.
"Inaantok ka pa ah," nakangiting ani Jason.
"Bakit nga kasi?"
"Sino ang Mama ni Danica?"
"Si Tita," sagot ko. "Bakit?"
"Oh 'di ba?" Humarap siya sa mga kateam niya.
"Bakit ang sabi niyo taga-alaga lang siya?" Kunot noong tanong ni Luke. "'Yon ang sabi niyo 'di ba?"
"Bakit ang init ng ulo mo sa kaniya? May problema ka ba?" Natahimik silang lahat, may kasungitan kasi ang tono ko. "'Wag ako ang tanungin mo kung ayaw niyong maniwala." Naupo ako sa tabi ni Sydney. Natanaw ko si Alex na naglalakad. Nakakunot ang noo halatang hindi maganda ang mood.
"Danica! Tara dito!" Tawag na naman ni JC.
"Hoy!" Sinenyasan ko siya na 'wag na dahil mukhang mainit ang ulo ni Alex. "Lex!" Kinawayan ko siya pero inirapan niya ako. "Hala..." Imbes na sa tabi ko siya umupo, doon siya kay Ate Yngrid tumabi.
"Magkaaway kayo?" Tanong ni Sydney.
"Hindi..." Taka ko siyang tinignan. Sa iba siya nakatingin at nakakunot ang noo niya. "Anong problema non?"
Nagsimula ang training namin. Nagsosolo lang siya magmula kanina. Hindi siya nagsasalita magmula pa ng dumating siya. Kanina pa tanong ng tanong si Sydney kung bakit hindi niya kami pinapansin. Wala naman akong naaalalang kasalanan sa kaniya. Tahimik lang siya't halatang abala sa ginagawa niya samantalang ako, kanina pa hindi mapakali sa kakaisip kung anong kasalanan ko.
"Sige na, magbreak na muna kayo." Anunsiyo ni Coach.
Tumayo si Alex papunta sa bag niya at uminom ng tubig. Nag-aalangan akong lumapit sa kaniya, baka kasi galit.
Bahala na...
"Alex..." Hindi niya ako pinansin. "Uy... Galit ka ba?" Kinuha niya ang bag niya at lumipat ng upuan. Umakyat siya sa pangatlong bench at inis na naupo ro'n. Nalingunan ko silang lahat, nakatingin sila sa amin. Kanina pa rin siguro sila nakakahalata. "Uy... Pansinin mo ako."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
Ficción GeneralBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...