🏰ALEX🏰
Maaga akong nagising para i-check ang gamit ko. Sinuot ko na ang ID ko para hindi ko malimutan. Naka-daily uniform rin ako ngayon. Nagmadali akong lumabas ng bahay, nag-abang ng masasakyan.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa school pero agad naagaw ang atensiyon ko ng makita ko ang pamilyar na sumbrerong 'yon.
"55?" Nag-aalangan akong lumapit sa kaniya. Kumunot ang noo niya na parang iniisip kung saan ako nakita.
"Pasensiya na pero hindi kita kilala." Nalungkot ako ng marinig ang sinabi niya. "Sino ka nga ulit?"
"Alex po," pakilala ko.
Po? Kailan pa ako natutong gumalang?
"Pasensiya na ha? Madali ko kasing makalimutan ang mga 'di naman importante." Nangunot ang noo ko, kung tutuusin dapat magalit na ako pero bakit hindi ko magawa?
"Ayos lang po. Gan'yan din po ako. Atsaka hindi naman po ako nakapagpakilala noong unang beses tayong nagkita."
"Ay gano'n ba? Makakalimutin na talaga ako. Gano'n talaga siguro kapag tumatanda ano?" Tumango ako. "Mas maaga ka ngayon ah."
Mukhang natandaan na niya ako. Lumawak ang ngiti ko. "Kailangan po eh."
"Oh sige na baka mahuli ka pa at baka akyatin mo na naman ang pader." Naglakad na siya palayo.
Teka....
Nakita niya akong inakyat 'yung pader? Nakakahiya!
Naihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko. Naglakad na ako papasok. Ngiting-ngiti ako at hindi ko alam kung bakit. Para akong naglalakad sa ulap.
"Danica!"
May humila sa akin! Isang malakas na busina ang narinig ko. Napayakap ako sa humila sa akin at ng mag-angat ako ng tingin nakita ko si...
"Jason..." Nanlambot ako ng makita ko siya. Kumalas siya sa pagkakahawak sa akin at lumapit do'n sasakyan na kulay pula kasunod non ang kotseng itim at puti.
"Ano ka ba pre? Nakita mo ng may naglalakad ang tulin mo magpatakbo."
Laking gulat ko ng makita ko kung sino may-ari ng kotse. 'Yung lalaking nasa gitna, si Luke.
"Kasalanan ko ba kung tat*nga-t*nga siya!"
"'Wag mo akong sigawan. Ikaw ang may kasalanan. School 'to hindi ka dapat nagpapatakbo ng gano'n kabilis."
"Binusinahan ko 'di ba? Tumabi ba?" Sumulyap siya sa akin at mas tumalim ang tingin niya.
"Malamang bumusina ka kung kailan malapit mo ng mabangga."
"So kasalanan ko pa?" Humakbang siya palapit kay Jason na animo'y naghahamon ng away.
Lumabas 'yung mga kaibigan niya.
"Brad tama na 'yan. Ang aga n'yan," sabi ni Knight in Shining Uniform. Matthew nga pala pangalan niya. Nabanggit sa akin kahapon. 'Yung isa na lang ang 'di ko kilala. Lumapit din 'yung isa para umawat.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...