Chapter 31: BAKAS

184 17 0
                                    

🏰ALEX🏰

Hindi pa nga tapos ang problema ko sa damit na 'yan, may bago na naman. Hindi pa nga nawawala ang sakit ng likod ko, nanakit naman ang kamay ko. Nagkamali rin kasi ako ng pagkabuwelo eh. Nabigla ako kaya nanakit ang kamay ko. Parang may naipit na ugat kapag nagagalaw ang sakit.

Hindi ako dumaan ng clinic dahil sigurado naman akong pagagalitan lang ako ng nurse. Tinamad na talaga ako magsalita, nahihilo na rin ako kaya sabi ko kina Kendrick send me notes na lang.

Nakareceive ako ng message mula kay Janine Santos. Siya 'yung akala kong bumili ng dress.

__________________________________

From: Janine Santos

Gud pm! Nakita na raw ni Luke 'yung damit. Ibabalik na raw niya sa 'yo. After daw ng flag retreat punta ka sa likod ng washroom. Thanks...

__________________________________

Hindi ko siya nireplyan wala naman kasing sinabing mag-reply eh. Nanatili na lang kami sa clasaroom ng mga kaibigan ko no'ng break time. Ayaw na rin nilang pumunta sa canteen.

Nagplano pa sila na abangan si Bridgette sa labas ng Campus. Kuyugin daw namin. Sabay-sabay rin kaming bumaba para sa flag retreat at announcement dahil ngayon ang deadline ng pagfile ng candidacy para sa KUSC. Gusto ko ng umuwi dahil nahihilo na ako. Gusto ko ng humilata buong araw. Sana talaga ibalik na niya 'yung damit para may pampalubag loob ako kay Gloria 'pag sinabi kong pinapatawag siya sa school.

"Tara na uwi na tayo," yaya ni Darylle. "Sa bahay ka na muna Lex. Sabado naman bukas."

"Alex pala pangalan mo?" Tanong ni Kendrick. "Kaya pala Lex ang tawag sa 'yo ni Darylle minsan."

"Pero Danica itawag niyo sa kaniya 'pag may iba tayong kasama ha?" Bilin ni Darylle, tumango naman sila.

"Sino 'yung Danica De Vera? Imbento lang din ba 'yon?" Muling tanong ni Kendrick.

"Pinsan ko 'yun. Anak ni tita Glydel."

Nagulat ako ng sabihin 'yon ni Darylle. May anak pala si Glydel? Bakit hindi ko alam? Kaya pala sinabi niyang pinsan niya 'yon.

"Nasaan na 'yung Danica?" Tanong ni Georgina.

"Secret," ani Darylle.

Naalala ko na may kukunin nga pala ako kaya natigilan ako sa paglalakad. "Darylle una na kayo.  May kukunin pa ako."

"Hantayin na kita," aniya. "Kendrick una na kayo."

"Teka te! May training pala kami!" Nataranta na si Kendrick. "Hoy Georgina! Bakla ka! Bakit hindi mo pinaalala!"

"Nakalimutan ko rin!"

"Naku! Kami na ang mauuna. Tara na sa washroom." Umalis na sina Kendrick.

"Bye!" Sigaw nila Cassey.

"Bye!" Nag-flying kiss pa si Kendrick.

"Syd mauna na kayo sasamahan ko lang si Alex." Ani Darylle.

"Okay see you on Monday." Nagbeso-beso sila.

"Tara," yaya ni Darylle.

"Dito ka na lang. Hantayin mo ko rito. Hindi pa kasi naglaladlad 'yung bumili. Ayaw niya yata ipaalam na bakla siya. Baka magalit at hindi na ibalik 'yung damit."

"Okay sige, bilisan mo."

Nagmadali akong nagpunta sa washroom. Umikot ako sa kabila dahil ang usapan sa likod ng washroom. Nakita ko kaagad si Luke bitbit 'yung paper bag.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon