🏰ALEX🏰
Nag-commute lang kami nila Kendrick. Kumain muna kami bago kami dumiretso sa NBS.
"Te tara doon tayo sa mga papel," yaya ni Kendrick. Basket lang ang kinuha namin dahil hindi naman masiyadong marami ang bibilhin namin.
"Naalala niyo pa ba 'yung libro na dapat hihiramin ko sa library?" Tanong ko sa kanila.
"'Yung To all the boys ba 'yun?" Ani Kendrick.
"Oo 'yun yata 'yon. Meron ba non dito?"
"Hindi ko alam te. Tignan mo na lang do'n." Tinuro niya 'yung section ng mga books.
"Punta muna ako ro'n ha?" Paalam ko sa kanila.
"Sige," nakangiting sabi niya.
Dumiretso ako sa Book Section. Inikot ko ang paningin ko habang naghahanap ng pwedeng basahin pero kung makikita ko 'yung libro na sinasabi ko 'yun ang bibilhin ko.
Naghanap ako ng pwedeng basahin pero wala akong natitipuhan. Nagpunta ako sa right side may nakita akong samu't saring libro pero puro horror naman. Mula sa space natanaw ko ang mga libro sa kabila.
Percy Jackson...
Hawak 'yon ng lalaki na nakauniform din gaya ko pero iba ang uniform niya. Hawig ng uniform nila ang uniform nila Eric kaya baka taga Camp Bridge din siya.
Ini-scan niya rin yata ang mga libro bago basahin o bilhin. Pinagpatuloy ko na ang paghahanap ng pwedeng basahin pero wala akong mahanap.
Lumipat ako sa kabila at sinubukan ko ring i-scan 'yung librong hawak ng lalaki kanina. Fantasy pala 'to. Ayoko ng fantasy gusto ko 'yung totoo, 'yung realistic.
Binitawan ko 'yung libro at lumipat sa kabilang section. Napatingala ako dahil sa heart na designs.
Romance Section...
Kailangan talaga may heart? Ang unfair sa Sci-Fi, Horror at Fantasy wala.
Muli kong iginala ang paningin ko. Nandoon sa dulo 'yung lalaking nakita ko kanina. Nakatalikod siya sa akin pero halatang nag-sascan siya ng books. Itinuon ko ang atensiyon ko sa paghahanap.
After...
Book Cover pa lang mukhang puro kabastusan na ang content.
Ano bang magandang basahin?
Hindi ko talaga mahanap 'yung libro na 'yun! Saan ba makakabili non?
Lumipat ako sa kabila pang section pero puro magazines na ng mga kilalang tao. Artista, Models and many more.
Umikot ulit ako sa kabila nakakita ako ng libro pero pagkakita ko pambata.
Kunot noo akong bumalik kina Kendrick. Abala pa rin sila sa paghahanap ng kung anu-ano.
"Ano te? Nakakita ka?" Tanong ni Kendrick.
"Wala," sagot ko.
"Tignan niyo ang presyo." Pinakita niya sa akin 'yung price ng mga papel. "Tubong lugaw kayo."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...