🏰SIMON🏰
Wala pa ring pinagbago ang pamilyang 'to, matapobre pa rin tulad ng dati. Hindi ko alam kung bakit pa ako nagsasayang ng oras dito. Wala naman akong mahihita rito eh.
"Why don't you introduce yourself to others Simon?" Tanong ni Imelda. "Makipagkaibigan ka..."
"Wala ka bang ipapakilala sa akin Simon?" Tanong naman ni Tiago. Nakatuon ang mata niya kina Ate Sarah na masayang nagkukuwentuhan. "Mag-asawa ka," utos niya na parang ang dali-dali lang ng pinagagawa niya. "Gusto ko bago matapos ang taon na 'to Simon, kasal ka na. Naiintindihan mo ba?"
Buntong hininga lang ang naisagot ko. Palihim kong naikuyom ang kamao ko. Kung wala lang mga tao rito kanina pa tinamaan sa akin ang matatandang 'to. "Magpapahangin lang ako." Tumayo ako at binatak ang suot ko pababa.
"Uncle," lumapit sa akin si Sean. "Come here, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko."
"Babae?" Pabirong tanong ko.
"Lalaki," inakbayan niya ako at hinila kaya nagpatinaod na lang ako. "Ano? May asawa ka na?"
"G*go..." Tumawa siya ng malakas. "'Yung babaeng 'yon ba 'yung tinutukoy mo?" Sinulyapan ko 'yung Mina, abala siya sa pakikipagtawanan kina Ate Sarah. "Nasa'n ang anak niyo?"
"Hindi nga siya 'yon," inis siyang lumayo sa akin. "Ang ganda naman niya."
"She's your friend 'di ba?" Nakangising tanong ko dahil 'yon ang sabi niya. Gusto ko lang kumpirmahin kung nagsasabi ng totoo ang kolokoy na 'to. "What kind of friend?"
"Walang kuwentang friend," sagot niya. "She's nothing. Assuming ang babaeng 'yan. Yari 'yan sa akin mamaya, abusada ang put*." Dumiretso kami ng lakad papunta sa mga estudyante ng Camp Bridge. "I'm glad you came Uncle."
"Buti ka pa masaya, ako hindi."
"Why?"
"'Yang Lolo mong magaling, binubuwiset na naman ako."
"Chill," minasahe niya ang balikat ko. "Just enjoy the party."
"I wish I could."
"Party pooper ka pala ngayon," aniya sabay tawa. Lumapit kami sa grupo ng mga kalalakihan. "Guys!" Tawag niya sa mga naroon. "This is Uncle Simon," turo niya sa akin. Ngumiti lang ako at nag-iwas ng tingin. Anong mapalala ko sa mga 'to? Eh mukhang isang bote lang ng alak ang katapat nito eh. "Uncle, this is Ace."
"Good evening po."
"This is Ralph and Mico. They're my friends."
"Doon sa luma hindi mo ako ipapakilala?" Nang-aasar kong tanong. Ang alam ko kasi hindi naman sila 'yung kaibigan ni Sean.
"Not a chance," he shook his head.
Daming arte...
Parang 'di lalaki...
"May pupuntahan lang ako," tinapik ko ang balikat niya at nginitian ang mga kasama niya.
"Hey..." Pigil niya sa akin. "Aren't you gonna drink with us? Come on, this is the perfect time to get wasted."
Umiling ako at pinakita sa kaniyang hindi ako interesado. "Sorry pero hindi ako nakikipag-inuman sa mga totoy, bata." Hininaan ko lang ang boses ko para hindi naman siya mapahiya sa mga kaibigan niya. "May flight ako sa Monday. I should come back there as soon as possible." Bumusangot ang mukha niya. "Ano ka? Bata?"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...