Chapter 74: WEIRD

159 16 0
                                    

🏰ERIC🏰

Katatapos lang ng training namin. Napuyat ako kahahantay kay Ganda kahapon. Hindi umuwi mabuti na lang tumawag si Papa at sinabi na nando'n siya sa bahay nila. Nagpapahinga lang kami dahil may klase pa kami. May laro pa kami mamaya. Kami ang dadayo dahil ang Basketball ang mananatili rito. Dapat talaga sila ang dadayo pero dito nila sa school gustong maglaro kaya nagparaya na kami.

"Ayieeee! Si Eric na-eexcite na! Makikita na niya ulit ang girlfriend niya!"

Noong isang araw pa ako inaasar niyan nila Tristan. Nagpupunta sila rito para lang asarin ako. Alam kasi nilang sa Kingstone nag-aaral si Alex dahil sa bus na sinakyan nila.

"Hindi namin masiyadong nakita ang mukha eh," sabi ni Unique.

"Hindi ko siya girlfriend! Doon na kayo! Mag-badminton na kayo! Hampasin ko kayo ng raketa eh."

"Ge Eric! Ganiyanan na ha? Makikita rin namin 'yon mamaya," ani Tristan.

"Paano kaya niya ichicheer si Eric?" Mapang-asar na tanong ni Unique.

"Hoy tama na 'yan," awat ni Clarence.

Siya ang pinaka-kavibes ko sa mga kateam ko. Matagal na 'yan dito sa Camp Bridge, 'yon ang kwento niya. Matagal na rin daw siyang naglalaro ng Volleyball at nirerepresent ang Camp Bridge sa Sports Fest. Magkakatropa na rin kami, madalas na rin kasi kaming magkakasama. Ang totoo niyan, kasama siya nila Unique noong nakita nila ako sa San Pablo, taga ro'n kasi sila.

"Ano oras aalis mamaya?" Tanong ko ng makaupo siya sa tabi ko. Umalis na sina Tristan dahil hindi pa yata tapos ang training nila sa Basketball.

"Alas tres naman lagi eh," aniya. "Alam mo 'yung babaeng kasama mo noong isang araw? Pamilyar 'yon, parang nakikita ko na 'yon dati. Kung hindi ako nagkakamali siya 'yung pinagpepiyestahan ng mga lalaki tuwing Sports Fest. Cheerleader 'yon ng KU eh. Kaso may shota 'yon 'yung Basketball player kaya hindi mapormahan. Alcantara ang apelyido nung lalaki sa jersey ko lang nakikita, pinagpepiyestahan naman ng mga babae 'tsaka si Sean. Galing din ng KU 'yan, ewan ko nga kung bakit nandito 'yan eh. Dito naman nagkalat ng kahambugan."

Weh?

"Hindi naman siguro, baka iba 'yon. Ang alam ko kasi transfer lang siya sa KU."

"Audrey yata pangalan non? Aubrey? Ewan sabi dati Olivia tapos Nicole."

"Alex ang pangalan tol!"

"Ay baka iba nga," aniya sabay tawa. "Wala sa nabanggit. None of the above."

"Gutom lang 'yan, ikain mo na lang." Mahaba pa naman ang oras kaya pwede pa kumain.

"Tara sa canteen," yaya niya. "Daanan din natin sina Unique." Sakto namang palabas sina Tristan kaya hindi na kami natagalan. Puno ng ingay ang canteen, mga taong hindi nag-almusal. Hating-hati ang isip nila kung alin ang panonoorin, Basketball ba o Volleyball?

Bahala sila sa buhay nila...

Basta ako gutom ako...

"Basta Eric ipakilala mo kami sa shota mo ha?" Ani Unique. "Ang daya mo, pinakilala namin shota namin sa 'yo. Muntik pa kaming magbreak! Lintek ka!" Pumila na kami sa counter. Mabilis lang naman ang pagseserve nila dahil konti pa lang ang tao.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon