Chapter 3: FIFTY FIVE

362 48 5
                                    

🏰DARYLLE🏰

Nakita kong nakabukas ng bahagya ang gate kaya pumasok na ako kaagad. Wala pa 'yung kotse kaya malamang wala pa si ate. Nakita ko si Mama may hawak na hose at nagdidilig kaso mukhang malulunod na 'yung mga halaman dahil do'n lang nakatutok 'yung hose.

Lumapit ako para magmano at do'n ko lang napansin na may kausap siya sa cellphone.

"Okay lang naman kami. Si 55 gano'n pa rin. Mainitin ang ulo pero nakikisama na siya ngayon." Nakangiting sabi ni Mama sa kausap.

55? Sino 'yon?

"Sige na, tatawag na lang ako 'pag may balita ako." Doon na natapos ang usapan nila.

Tumikhim ako at sumandal sa pader. "Hi Ma!"

"Oh kanina ka pa d'yan?" May halong kaba ang tanong niya sa akin.

"Hindi, kadarating ko lang." Lumapit ako at kinuha ang kamay niya. "Bless po!"

"Si Alex?"

"Do'n daw siya sa apartment niya uuwi."

"Pasaway talaga ang isang 'yon."

"Why do we have to protect her?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Kanina ko pa gustong malaman ang sagot sa tanong ko.

"Nagluto ako ng merienda, pancake tapos nagbake rin ako ng cookies." Nakangiting sabi niya.

"Sagutin mo muna yung tanong ko Mama."

"Masarap kainin 'yun kapag mainit." Binitawan na niya 'yung hose at pinatay yung gripo.

"Mama naman eh! Bakit nga kasi? Hindi ako kakain hangga't hindi mo sinasabi sa akin."

"Tara sa loob," yaya niya. Sumunod naman ako kaagad.

"Anong sagot sa tanong ko?"

"'Wag kang mag-isip ng mas malalim pang dahilan. Kailangan natin siyang protektahan dahil tao rin siya gaya natin."

Hindi ako kumbinsido sa sagot niya. Pinaghintay niya ako ng ilang oras para lang sa sagot niyang 'yan.

Ang galing! Halatang pinag-isipang mabuti!

"At isa pa, ngayon lang siya nakalabas kaya marami pa siyang hindi alam tungkol sa ginagalawan niya ngayon."

"Isang taon na siyang nagpagala-gala. 'Yon ang alam ko." Ipinaramdam kong seryoso ako.

"Kahit pa dalawang taon pa siyang magliwaliw hindi niya pa rin kayang pag-aralan ang mga tao sa paligid niya. Ni hindi nga nagsasalita eh. Ignorante rin siya sa ibang bagay pansin mo?"

Tumango ako. Nakaramdam akong konting lungkot at awa pero hindi ko alam kung bakit.

"Hindi na ba siya nananakit?" Nagulat ako sa tanong ni Mama.

"Bakit nananakit ba siya?" Bigla akong kinabahan. 'Yung awa at lungkot ay napalitan na ng kaba.

"Base sa tanong mo mukhang hindi naman siya nananakit." Pilit ang ngiti ni Mama. May tinatago siya, alam ko!

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon