🏰LUKE🏰
Nananaginip lang ba ako? Tama naman 'yung narinig ko 'di ba? Magkapatid sila? Buong akala namin totoo 'yung sa Secret Files. Kalat na kalat 'yon dito ngayon pero ang mga babae mukhang walang idea sa issue na 'yon. Kasi kung meron sasabihin nila 'yon.
Pinagsalitaan ko pa naman siya ng masasakit na salita...
Haist!
Nakokonsensiya ako...
"Teka lang..." Sabi ni JC habang nag-iisip. "Bakit noong una hindi naman kayo magkakilala?" Tanong niya kina Danica.
"Oo nga," bulong nila Rafael.
"Noong Friday ko lang nahanap ang Papa ko eh," sagot ni Danica. Ang cute-cute niya talaga. Nakayakap siya sa Kuya niya habang nakangiti.
Nahanap na pala niya ang pamilya niya...
I'm happy for her...
"Sino ang tatay niyo? Akala ko single si Glydel?" Tanong ni Coach. Lahat kami nagulat. Sino ba namang hindi? Ilang araw na silang pinagpepiyestahan sa SF. Kung hindi pa pumasok si Coach Reiven hindi namin malalaman ang totoo.
"Secret," sabay na naman nilang sagot. Bakit ganiyan sila? Iisa lang ba ang utak nila?
Kung sino man ang nagpakalat ng fake news na 'yan, epal ka!
Badtrip...
"Hindi ako makapaniwala," sumulyap pa sa amin si Coach. Sobrang nakakahiya! Pinag-usapan namin sila tapos magkapatid pala! Buti na lang hindi nila alam ang tungkol sa Secret Files. "Unbelievable..."
Tumawa lang silang dalawa kasunod ng ibang mga babaeng players. Kami nga lang ang inosente sa nangyayari.
"Coach training na tayo," yaya ni Yngrid. Sumobra na ang break namin pero mahaba pa ang oras ng training namin.
"Bukas ka pa papasok 'di ba?" Tumayo na si Coach kaya sumunod na kami.
"Yes Coach," ani Coach Reiven. Hindi ako makatingin sa kanila ng diretso. Lalo na kay Danica, nakakahiya 'yung ginawa ko. "Susunduin ko lang ang Baby ko."
I used foul words...
This is crazy!
"Mamaya pa ang uwi nila."
"Maghihintay na lang muna ako."
Nalungkot ang mga players ni Coach Reiven. Akala siguro nila nandito siya para magtrabaho. Sinulyapan ko si Danica, nakayakap pa rin siya kay Coach Reiven habang tinititigan ang relo niya.
Ang cute niya...
Pero si Eric pa rin ang gusto niya!
Kainis!
Ba't 'di na lang ako?
Ang damot...
Nagsimula na ang training namin. Mga drills at shoot out ang ginagawa namin. Kaming mga Point Guards at Shooting Guard ay nasa arko. Ang mga forward ay nakakalat sa free throw at lane line. Samantalang si Yixing naman ay malapit sa hoop. Panay ang kuwentuhan namin habang shinushoot ang bola. Nakaupo si Coach Limer at Coach Reiven sa inuupuan namin kanina. Dinidiscuss niya ang lahat ng napagmeeting-an habang wala si Coach Reiven.
"T*ngina brad nakakahiya 'yung ginawa natin," ani Guione. "Ano kayang magiging reaksiyon ng mga 'yan kapag nalaman nila 'yon?"
"Si Coach Limer na bahala ro'n," sabi ko. Medyo kinakabahan pa ako dahil doon sa ginawa ko kay Danica. Paano kung isumbong niya ako? Na hinalikan ko siya't sinabihan ng kung anu-anong masasakit na salita? Nasabunutan ko ang ulo ko sa sobrang inis. Napalingon kami sa kabilang court ng narinig naming tumawa si Danica. Sobrang lakas ng tawa niya may kasama pang tili. Kinikiliti siya ni Sydney kaya iwas siya ng iwas.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...