🏰MARCO🏰
Kanina pa ako nagtataka kung bakit wala sila Tito Carlos dito sa lamesa namin. Ngayon lang kasi nangyari 'to kaya pakiramdam ko may kinalaman 'to sa away nila ni Sean. Tapos na akong kumain at kanina pa kating-kati ang paa ko na puntahan sila Luke, pero 'di ko alam kung paano ako magpapaalam.
"Happy birthday hijo," nakangiting bati ni Papa kay Sean. Lumapit kasi siya sa amin kasama 'yung Karmina. Ngayon ko lang nakita ang babaeng 'yan, pero mukhang may relasiyon sila dahil nandito ang pamilya ng babae.
"Thanks Tito," ani Sean.
Napakaganda ng ngiti ni Papa, 'di mo aakalain na nagsampalan sila ni Mama kanina. Ganiyan sila kagaling magpanggap sa harap ng nakararami. Pero sigurado ako, away na naman 'to pag-uwi dahil si Mama nananamantala na naman. Panay ang yapos at hawak kay Papa kahit alam naman niyang ayaw na ayaw ni Papa ng ganiyan. Naiintindihan ko ang status nila kaya sana tumigil na si Mama dahil siya ang nagsisimula ng gulo lagi eh.
"Good evening po," bati nung Karmina. Nagbaba siya para magbigay galang sa amin. Nginitian ko lang siya at muling itinuon ang atensiyon sa mesa. Naramdaman kong lumagpas na sa amin sina Sean at dumako sa pamilya ng nanay niya.
"Happy birthday Sean," bati ng asawa ni Madrigal na saksakan ng yabang. Naalibadbaran talaga ako sa mga 'yan! Kapag nakikita ko 'yang mukha ni Madrigal talagang nag-iinit ang ulo ko!
"Thank you Mamita," humalik siya sa pisngi ni Imelda. "Lolo Santi," ani Sean kay Madrigal.
"Happy birthday," walang ganang bati ni Madrigal. "May regalo ako sa 'yo mamaya."
"I'm excited."
"You should be," aniya. "Who is she? The mother of your child? Where's your baby then?"
"She's my friend," 'yon ang sagot ni Sean.
Friend? Grabe makayapos? Friend?
Mas sweet pa sila sa parents ko eh...
Sandali, may anak na si Sean?!
"Ang mapapangasawa mo ang dapat mong hinarap sa mga bisita apo," pabulong pero rinig ko rito ang tinig ni Madrigal. Nakangiti siya pero mukhang dismayado.
"It's okay," ani Imelda. "She's pretty naman. What's your name?" Baling niya sa date ni Sean.
"Karmina po."
Tumango si Imelda Madrigal at ngumiti. "Magdinner tayo bukas, isama mo ang family mo."
"Mamita kasi-," singit ni Sean sa usapan.
"Okay po," putol ni Karmina sa sasabihin niya.
Inis akong nag-iwas ng tingin at nangalumbaba. Nilingon ko sila Luke na nagtatawanan. Napabusangot ako dahil hindi ako makapunta ro'n kahit gusto ko.
"Marco anak," tawag sa akin ni Papa kaya agaran akong lumingon sa kaniya. "Gusto mo bang puntahan ang mga kaibigan mo?" Nagliwanag ang mga mata ko at hindi ko na napigil ang pagngiti.
"Opo, Papa," mabilis kong sambit.
"Halika, sasamahan kita." Tumayo si Papa at nagpaalam sa mga bisita kaya tumayo na rin ako.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...