🏰LUKE🏰
Halos gumapang na ako papunta sa bench sa sobrang pagod. Kami mga Point Guard ang huling nagdrill, kasabay namin ang mga Point Guard ng mga babae. Bakas sa mukha ng lahat ang pagod dahil bukod sa pawis ay tahimik sila. Kahit si JC mukhang wala na ring lakas para dumaldal. Dinismiss na rin kami ni Coach dahil may meeting pa raw sila sa Camp Bridge.
Kinuha ko kaagad ang gatorade at tinungga 'yon. Naupo ako habang kinukuha ang towel ko sa bag. Pinunasan ko ang katawan ko, bahagya kong itinaas suot kong jersey para punasan ang tiyan ko.
Agad na nangunot ang noo ko ng makarinig ako ng bulungan. Dali-dali kong inayos ang damit ko at pinatong sa ulo ko ang towel.
Kung ganiyan lang sana si Danica baka naghubad pa ako sa harap niya...
Kaso hindi eh!
Baka kahit maghubad ako sa harap niya hindi niya pa rin ako papatusin. Pakiramdam ko tuloy ang pangit ko, kahit hindi naman.
Hindi naman talaga eh!
Ang sabi nga nila kamukha ko raw si Daddy at naniniwala naman ako ro'n dahil carbon copy talaga kami. 'Yon nga lang, matured na ang mukha ni Daddy compare sa akin. Parang si Marco at si Tito Alejandro, magkamukhang-magkamukha rin sila. Naaalala nga raw nila ang kabataan nila 'pag nakikita nila kami dahil ganito raw ang hitsura nila dati.
Si Sean?
Ewan ko sa kupal na 'yan, p*tangina niya!
De joke lang...
Halo ang mukha niya pero lamang ang kay Tita Sarah. Si Ate Shane naman lamang ang features ni Tito Raymond, pero magkamukha pa rin naman sila.
Mas gwapo kami ni Daddy, promise!
Lumapit sa akin si Guione bitbit ang tumbler niya. "Brad pengeng gatorade, naiwan ko pala 'yung sa akin."
"Sa bag ko," sabi ko bago uminom ulit. "Magkaaway ba kayo ni Matt?" Naisip ko lang na itanong dahil nakakapagtakang sa akin siya dumidikit ngayon.
"Ewan ko ba diyan." Sinulyapan namin si Matthew na nakaupo at tinititigan ang gatorade niya. "Bigla na lang hindi namansin. Nagalit siguro dahil kinampihan natin si Mina."
"Eh hindi naman natin alam na totoo pala 'yon eh," sabi ko.
"Medyo naguilty nga ako, inaway pa natin sila Darylle tapos siya naman pala 'yung may gawa."
"'Di ba natin isusumbong?" Napaisip din ako bigla kung bakit hindi nagsumbong ang mga 'yon. Dapat kasi ireport nila 'yung ginawa ni Mina dahil mali talaga 'yon.
Kami na lang kaya magsabi?
"Hindi ba nagsumbong sila Darylle?" Tanong niya.
"Hindi ko alam, baka hindi, kasi kung nagsumbong 'yon malamang nasa POD na rin tayo ngayon."
"Sasabihin natin? Baka naman sabihin nila nakikialam tayo."
Pinatong ko ang siko ko sa tuhod ko't nangalumbaba. Ayaw ko na sanang makialam pero hindi naman talaga tama 'yung ginawa ni Mina. Hindi ko rin siya maintindihan eh.
"Bahala na..." Sabi ko na lang dahil nagdadalawang isip din talaga ako. Baka kasi magkagulo lang lalo kapag nakialam kami.
Umusod si Guione palapit at bumulong. "Sa palagay mo ba, may ginawa si Audrey kay Mina kaya siya nagalit?"
"Audrey?"
"Ge maang-maangan pa..."
"Danica kasi," kinaltokan ko siya ng mahina gamit ang kaliwang kamay ko.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...