Chapter 45: IYAK

165 16 1
                                    

🏰DARYLLE🏰

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng marinig ko ang hudyat na sinabi ni Alex. Gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa. Alam kong kahit na sinong tao hindi kakayanin ang gano'n karami.

"Hindi ko kayang manood lang dito. Kendrick hawakan mo 'yan." Binato ni Georgina ang bag niya kay Kendrick at dali-daling sumugod do'n.

"Teka marunong ba siya?" Tanong ni Sydney.

"Oo nakikipag-sparring 'yan sa tatay niya," sagot ni Kendrick. "Go Beshie!"

Aaminin ko kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung kakayanin ba nila 'to.

Malamang hindi Darylle, ang dami nila!

"Cass!" Hinagis ko kay Cassey at Sydney ang bag namin. "Kayo na bahala rito. 'Pag hindi namin kinaya bahala na kayo."

"Hihingi na ako ng tulong," nanakbo si Sydney palayo.

"Sydney," tawag ni Cassey sa kaniya.

"Hayaan niyo na," sabi ko.

"Kaya mo ba?" Tanong ni Kendrick.

"Kakayanin wala akong choice." Nagmadali na ako pumunta ro'n. Sinalubong ako kaagad ng lalaki. Iniwasan ko kaagad ang suntok niya at tinuhod ko ang tiyan niya. Dalawang beses ko siyang tinuhuran bago ko sinapak. "Aray..." Pinagpag ko ang kamay. "Ang tigas ng ulo mo kuya." Sumugod ulit sa akin 'yung isa sa akin. Yumuko ako para iwasan 'yon pero nagmag-angat ako nasalubong ko lang ang suntok niya. Tinamaan ako sa braso.

Masakit ah...

Na-out of balance ako dahil sa totoo lang masakit 'yon dahil kanang braso ko ang tinamaan. Sinuntok ko na lang ng kaliwang kamay buti tinamaan sa mukha pero hindi 'yon masiyadong masakit dahil kaliwa ang gamit ko. Hindi 'yon kasing lakas ng kanan ko.

"Darylle!" Narinig kong sigaw nila Kendrick.

Bago pa ako makagalaw naramdaman ko ng may pumalo sa likod ko. Napaluhod ako sa sobrang sakit. Nakita ko ang anino niyang inambahan ako kaya napapikit na lang ako at hinanda ang sarili ko sa mas malakas na palo. Nagmulat ako ng wala akong maramdaman. Nakita ko ang anino ng babae na nakaharang, nang lingunin ko 'yon si Alex ang nakita ko. Isinangga niya ang kaliwang kamay niya kaya 'yon ang tinamaan. Hinawakan niya ang kabilang dulo ng kahoy gamit ang kanang kamay at ipinangsangkalan ang kaliwang kamay para maputol ang kahoy na pinalo sa akin. Nang mabali 'yon at nahati sa dalawa, agad niyang pinalo sa ulo ng lalaki ang kahoy na hawak niya.

"Alex..." Usal ko.

Inilahad niya ang kamay niya sa akin at tinulungang makatayo. Doon ko nakita na pulang-pula na ang katawan niya. "Kung nasasaktan ka, tiisin mo. Hindi ito ang tamang oras para magpahinga at makaramdam ng anumang sakit. Naintindihan mo?" Sunod-sunod ang naging pagtango ko. "Dapat kasi nanakbo na kayo eh." Napailing pa siya bago sumugod sa iba.

Tama siya...

Wala akong karapatang mag-inarte ngayon dahil ginusto ko 'to. Ginusto namin 'to...

Nanakbo ako papunta kay Georgina at sinipa sa tuhod ang lalaking nakatalikod.

Ay gutom...

Agad akong umikot at pinatama ang kaliwang paa ko sa ulo niya. "George..." Napaupo siya dahil na rin siguro sa sobrang pagod at sakit.

"Aaaa!" Napasigaw pa ako ng maramdaman kong may pumalo sa paa ko. "T*ngina..." Napamura na ako sa sobrang sakit. Nakita kong tumayo si Georgina at binanatan ang lalaking 'yon. Nakita ko pang hampasin siya non at tamaan sa kaliwang braso.

"Oh my God ka!" Nakita kong nananakbo si Kendrick. Sinabunutan niya ang lalaki habang sinisipa ni Georgina. "'Yan buti nga sa 'yo! Bad ka!" Agad akong tumayo at kinuha ang kahoy.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon