Chapter 66: ALMOST

158 14 0
                                    

🏰GEORGINA🏰

Magkakasama kaming bumaba nina Kendrick at Darylle. Si Cassey naiwan namin dahil hindi naman siya pwedeng sumama. Siya na raw bahala magsabi kay Miss Jelai na sina Darylle ay member na ng basketball team. Wala pang masiyadong tao sa Gym. Dito kami magmimeeting dahil masiyadong marami ang member ng Sports Club, hindi kami kasiya sa room lang.

"Oy walang trayduran ha?" Paalala ko habang tinutulungan ang maintenance na mag-ayos ng upuan. "Walang laglagan."

"Naku mga te! Dalian niyo na diyan!" Nakaupo si Kendrick sa harap at nagpapaypay. Kabubukas lang kasi ng aircon kaya hindi pa gano'n kalamig. Hindi pa rin kami nakakapagbihis.

Mamaya na lang siguro...

Nagsimula ng umingay sa buong gym dahil nagpapasukan na ang ibang member ng club. Nagulat pa ang iba dahil may mga bagong member nga. Nakaupo kami sa unahan. Magmula sa kaliwa, ako, si Sydney, Darylle at Alex. Nakita kong tumabi si Matthew kay Alex   Nakangiti siyang naupo ro'n, sinisiko niya pa si Alex para pansinin siya pero waepek.

Manhid talaga...

Napuno kaagad ang buong Gym at nagpaikot ng papel para sa attendance. Hindi ko na pinarating ang papel sa kanila dahil sinulat ko na agad ang pangalan nila. Ipinasa ko na 'yon kina Matthew, katabi niya si Guione at 'yung iba pang players.

Napapansin ko rin na magkakaaway sila nila Luke. Kahit noong Tune up game pa lang halata na ng lahat. At alam ko kung sino ang pinag-aawayan ng mga 'yan. Halata naman kasi na may gusto si Matthew kay Alex at halata rin naman na may gusto rin si Luke sa kaniya. Nakakatawa lang dahil puro sila away samantalang itong bata namin wapakels. Kahit siguro magpatayan sila sa harap niya okay lang eh.

Isang buwan na rin kaming magkakasama dahil, third week na ng July ngayon. At kahit hindi na namin makausap si Sean naniniwala na ako na magkaibang tao sila. Mahahalata mo naman kasi sa kilos niya na wala talaga siyang alam. Pero doon sa may amnesia medyo naniniwala pa ako.

Dedma na lang din naman kami dahil hindi naman importante sa amin ang history niya. As long as nagiging totoo siya sa 'min wala namang kaso 'yon. And I know kung sakali mang makaalala siya if ever na siya nga si Audrey, siguradong sasabihin niya sa amin ang dahilan.

Mabait siya...

Totoong tao at walang halong kaplastikan. Kapag galit siya pinararamdam niya kapag ayaw niya sinasabi niya. Prangka pero mas okay na 'yon kaysa backstabber 'di ba?

"Okay guys! This is Kendrick James Bautista, your club president. Iniwan sa akin 'to ng moderator natin kaya please cooperate ha? Kahit wala ang mga moderator na 'to gusto ko maging maayos at successful ang meeting na 'to." Nasa unahan si Kendrick hawak ang microphone kasama niya ang VP ng Sports Club. "So I know nabanggit na sa inyo ang purpose ng meeting na 'to. Three weeks na ang Sports Fest kaya maraming events ang dinagdag. Isa na diyan ang pagkakaroon ng Basketball Girls at ang agenda nga natin ngayon ang Mr. and Ms. Sports Fest. Alam kong alam niyo na 'to ng iba dahil may ganito noon pero inalis lang. Since three weeks daw ang Sports Fest binalik na nila 'to. Kailan mangyayari ang Mr. and Ms. Sports Fest? Sa mismong opening daw. Wala pang sched na binigay pero 'yun nga raw ang balita." Nagtaas ng kamay ang babae na nasa likod. Kung 'di ako nagkakamali kabatch namin siya kaso Humss ang strand niya. "Yes Ate Ghorl?" Baling ni Kendrick.

"Pageant type ba? Or parang pang muse and escort talaga?"

"Muse and Escort lang te. Kagaya lang ng dati," sagot ni Kendrick. "So magstart na tayo ng nomination kasi may training pa ang mga lola niyo. Unahin na natin ang Escort. Ge nominate na mga te!"

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon