Chapter 39: TUBO

194 15 0
                                    

🏰DARYLLE🏰

"Hindi ako pwedeng magkamali. Sila talaga 'yung nakita kong kausap nila Mama," ani Ate habang naglalakad kami.

"Oo na Ate. Tama na, naniniwala naman ako sa 'yo eh." Kanina pa siya parang sirang plaka na paulit-ulit na binabanggit ang tungkol sa pamilyang 'yon.

"Kainis naman! Ang gwapo pa naman nung lalaki. Ikaw kasi eh, bakit hindi mo tinanggi?" Inis na tanong ni Ate.

"Dalian na natin kanina pa tayo rito. Dapat uuwi na tayo. May pasok pa tayo bukas." Binilisan ko na ang lakad ko at sinabayan sa paglalakad si Alex. Inabot ko sa kaniya 'yung cellphone niya. Noong una iniisip ko kung bakit naman 'yun naisip ng lalaking 'yon. Pero nang maalala kong si LeBron James nga pala ang lockscreen wallpaper ni Alex hindi na ako nagulat. Tapos si John Cena pa 'yung homescreen niya. 'Yung mga laro niya puro panlalaki, basketball, boxing, karera at barilan.

Wala pang password!

Pinakialaman kaya niya 'yung cellphone ni Alex?

Hindi naman siguro...

Mukha naman siyang mayaman kaya hindi niya pag-iinteresan ang cellphone ni Alex.

Bakit ko ba 'yun pinoproblema?

"Ang tagal niyo naman. Gaano ba kahirap maghanap ng cellphone?" Inis na tanong ni Tita.

"Eh kasi wala naman doon sa lamesa 'yung phone. May nakakuhang iba," sabi ko

"Buti nakuha niyo pa," ani Mama.

"Mabuti kamo 'yung kakilala niyo ang nakakuha ng cellphone ni Alex," sabi ni Ate.

"Kakilala?" Tanong ni Mama.

"Ah ano po... Kakilala namin 'yung nakakuha. Schoolmate namin, si Mina," palusot ko. Pinagkukurot ko si ate para manahimik. Hindi marunong makaramdam.

"Oh? Buti binalik niya," nakangising sabi ni Alex. "Mukhang umaayon na sa akin ang panahon ah."

Ipinagpapasalamat ko na nakasalubong namin si Mina kanina dahil kung hindi baka hindi sila maniwala.

Hindi ko alam kung bakit ayaw ni Mama na makita kami ng mga 'yon. Pero hindi naman nila kami iiiwas sa kanila kung walang dahilan 'di ba?

Kung sasabihin ko na 'yung kakilala nila Mama 'yung nakakuha baka humaba pa ang diskusiyon. May pasok pa ako bukas kaya hindi pwedeng magtagal pa kami rito.

"Sumakay na kayo," ani Mama. Nauna na siyang sumakay sa kotse kaya nagsunuran na kami. Sa bahay na kami bumaba lahat. Si Mama at Tita magkasama sa kwarto. Buti pumayag si Tita na dito na matulog pati si Alex. PE namin bukas at tatlo naman ang PE uniform ko.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Bakit ka nagsinungaling?" Tanong ni Alex. "Hindi ko akalain na susundin mo kaagad ang payo ko," aniya sabay tawa.

"Paano mo nalaman?"

"'Yung hitsura mo kanina kapareho ng hitsura ko noong unang beses akong nagsinungaling kaya alam ko 'yan."

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon