Chapter 107: POKPOK

155 9 0
                                    

🏰DARYLLE🏰

Napalingon ako sa pinto para tignan kung sino 'yung parating. Napangiti ako ng makita ko si Ate Darlene. Sabi ko na nga ba at dito rin ang punta niya eh.

"Oh you're here my dear darling," maarteng sabi ni Ate. Ngumiti siya sa kina Ace bago muling humarap sa amin.

"Hi Ate Dars!" Nagbeso-beso sila Ate at Cassey.

"May lakad kayo ni Ate no?" Tanong ni Sydney kay Ate Darlene. "Ate! Si Ate Darlene nandito na!"

"Oh wait!"

"Ang daming bisita ah," sabi ni Ate habang inaayos ang buhok niya. "Ano meron?"

"Nagkayayaan lang," sabi ni Sydney.

"Oh ikaw 'yung anak nung friend ni Mama right?" Tanong ni Ate kay Mr. English. Ngayon ko lang din naalala 'yon. Si Ate talaga basta gwapo kabisado!

"Yeah," ani Mr. English.

"Small world ha? Anyway, Stacey where are you?!"

"Ito na..." Nagmamadaling bumaba si Ate Stacey. "Let's go?"

"Ano pa nga ba? Kaya nga ako nandito eh," ani Ate.

"Bye!" Sabi nila Ate Stacey.

"Darling? Ano oras ka uuwi?" Baling sa akin ni Ate.

"Depende," sabi ko.

"Anong depende? Dapat 5 nasa bahay ka na."

"Ang daya naman, 'pag ikaw pwede kahit anong oras?"

"Gano'n talaga Darling, ikaw ang bunso eh." Lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi ko. "Bye bye ingat kayo young ladies." Lumabas na sila ni Ate Stacey sa bahay.

"Maliligo lang ako," sabi ni Sydney sa amin.

"Bukas na lang tayo," sabi ko naman. Napag-usapan kasi namin na magsostroll kami ngayon. Hindi makakasama sa amin sina Georgina kaya kami na lang. "Para kasama rin natin si Alex. Bumili na rin tayo ng gagamitin natin sa paggawa ng lobo."

"Ayaw niyo bang sumama? Sayang naman, ngayon na lang ulit tayo nakalabas. Next week, Sports Fest na. Magbonding-bonding na lang din tayo tutal sa Camp Bridge naman din ang punta niyo," ani Mico.

"Oo nga, kagaya dati," sabat naman ni Ralph. Sumasama lang naman kami dati sa kanila dahil kay Sydney. Mabait din naman talaga sila kaso naiinis kasi kami kay Ace eh.

"Samahan niyo na ako," bulong ni Sydney. "Ayaw ko kasama 'yang Mina na 'yan."

"Last na 'to ah," bulong ko. Tinulak ko siya paakyat sa hagdan nila. "Ligo na dali!"

"Tawagan mo si Alex," sabi niya.

"Tinawagan ko na. Pinrank na nga ako eh," sabi ko sabay tawa.

"Ano sabi?" Tanong ni Cassey.

"Nahanap na raw niya ang Papa niya. Baliw talaga 'yon. Dali na Sydney! Hanggang five lang ako!"

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon