🏰DARYLLE🏰
Kanina pa nagsisimula ang sayawan pero hindi ko maiwan-iwan si Alex kasi nanlalambot na naman siya pero this time mukhang mas malala na. Ang problema bawal na lumabas. Pinagbawalan na talaga kami dahil ang daming JHS students ang gumagaya.
Sila Cassey nag-sasayaw sa gitna. Dito pala kapag niyaya ka hindi ka pwedeng tumanggi. Lahat nagsasayaw kami lang yata ni Alex ang nakaupo. Kahit babae nagyaya, iba na talaga ang panahon ngayon.
Kanina may nagtangkang magyaya sa amin ni Alex pero sinesenyasan na kaagad ni Matthew. 'Yun nga lang may nagyaya kay Matthew kaya hindi makatanggi.
Nakaupo lang si Alex, nakapikit at nakakrus ang braso. Sa palagay ko naiingayan na 'to kaya gan'yan. Gusto ko man siyang ilabas wala akong magawa dahil pagagalitan na kami. Sabi ko sa kaniya ipapaalam ko na siya kay Mrs. Gracia pero ayaw naman niya.
Nag-uupuan na ang iba dahil natapos na ang ikatlong kanta. Hindi ko alam kung ilan ang kanta na ipapatugtog pero ang sabi nila ang pinakamasaya raw sa Acquaintance Party 'yung party session. Kaso pinakahuli pa raw 'yon after i-announce ang King and Queen of the Night. At sa tantsa ko mukhang ilang oras na lang bibigay na 'to si Alex.
Hindi ko alam kung bakit siya nagkakagan'yan. Napansin ko lang na sa tuwing babalik kami rito sa loob nagiging gan'yan siya.
Ano bang meron dito sa loob? Bakit hindi siya komportable? Bakit namumutla siya sa tuwing babalik kami rito?
"Sayaw tayo?" May lumapit sa akin na lalaki. Chinito siya at ngayon ko lang siya nakita. Sinulyapan ko pa si Alex.
"Sige na ako na muna bahala," sabi ni Matthew.
Tumayo na ako at lumapit dito sa nagyaya sa akin. Nagpunta kami sa bandang gitna kaya hindi ko na nakita si Alex. Nilagay niya 'yung kamay niya sa bewang ko at pinatong ko naman 'yung akin sa balikat niya.
"I'm Yixing," pakilala niya. Chinese pala kaya singkit. "Grade 12 na ako, stem ang strand ko."
"Chinese ka?"
"Filipino-Chinese," pagtatama niya.
"Sino ang chinese? Papa mo?"
"Yes," sagot niya. "Ikaw?"
"Pinoy ako pure," nakangiting sagot ko.
"I mean, what's your name?" Ngumiti siya kaya nawala na naman ang mga mata niya. Nakakakita pa kaya siya?
"Ah Darylle, 11-ABM."
"New student?" Tanong niya ulit. Tumango naman ako. "Friend mo si Audrey?"
"It's Danica, and yes we're friends." Ang sarap sa tenga. We are friends.
"Okay, we're used to it anyway."
"Used to what?"
"Let's not talk about her." Umiwas pa siya ng tingin.
Gusto ko ng maupo dahil pakiramdam ko naging awkward na ang sitwasyon namin ngayon.
"Kaano-ano mo siya?" Biglang tanong niya sa kalagitnaan ng kanta.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...