🏰GLYDEL🏰
Dito na ulit ako sa mansiyon naglalagi. Mahirap na, baka malaman ni Tanda na nasa labas ang batang 'yon. Hindi rin ako sigurado sa mga kupal na bantay dito. May posibilidad na sila ang nagsusumbong, pero kilala ko naman ang mga 'yan. Nirerespeto ako nila higit pa sa pagrespeto nila kay Tanda.
Inabot ko ang cellphone ko dahil narinig kong nagriring 'yon.
"Oh?"
"GDV, kailan ka available? May mga bago ng design si Michael, kailan mo isusukat?"
"Next month na," sagot ko. Ayoko muna lumabas ngayong linggo. "Sabihan mo sila na pupunta ako diyan next month. Pakihanda lahat ng kailangan kong pirmahan."
"Yes GDV!"
"May ipapasok akong designer diyan," sabi ko. Naisip ko si Eugene. Alam kong pangarap niyang maging designer pero dahil nga raw sa Papa niya kaya siya nag-training.
"Sino?"
"Basta 'wag ng masiyadong maraming tanong! Ayusin niyo diyan ha? 'Pag naabutan kong makalat diyan, sesesantihin ko kayo mga ugok! Bye!"
Binalik ko sa kinalalagyan ang cellphone ko. Humiga ako sa kama at kinuha ang diyaryo. Makikibalita sa nangyayari sa labas.
Walang bago...
Puro kasamaan ng tao ang nangunguna...
Ano bang bago?
Pera ang nag-papaikot sa mundong 'to. 'Pag wala kang pera mahina ka, 'yan ang bagong basehan ng kapangyarihan. Kahit ang katotohanan ay kayang takpan ng pera. Gano'n kalakas ang papel!
Nakakapagod...
Inis kong nilukot ang diyaryo ng marinig kong mag-ring ang cellphone ko. Nawalan na ako ng ganang magbasa.
Ano bang mahirap intindihin sa instructions ko?
Bob*!
"Oh?!"
"Kailangan sumisigaw?"
"Sino 'to?" Tinignan ko kung sino 'yung tumatawag, si Mamba pala. Naduling ako ro'n ah. Ano naman kayang kailangan ng matandang pangit na 'to?
"Grabe ka naman, wala ba talaga akong halaga sa 'yo? Kinalimutan mo na ako kaagad ah."
"Bakit ka ba tumawag?!"
"Hinaan mo ang boses mo, nabibingi ako."
"Hinaan mo ang cellphone mo ungas!"
"Saglit lang..." Sigurado akong sinusunod niya ang sinabi ko. Isa pang uto-uto ang gunggong na 'yan eh. "Oh sige na sigaw na."
"'Wag na tinamad na ako. Bakit ka tumawag?"
"'Yung pinababantayan mo binanatan ang mga bata ko."
"Ano?" Luka-luka talaga ang batang 'yon. Lahat na lang ginugulpi 'pag natrip-an. "Sinabi ko na kasi sa 'yo, mag-ingat ka sa isang 'yon. Kung malakas ang topak ko mas malakas ang topak non."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...