Chapter 133: PEDOPHILE

144 10 0
                                    

🏰LUKE🏰

Inis na inis na naman ako dahil diyan kay Danica. Bigyan ba naman ako ng barya?! Hindi naman ako nanlilimos! Kamay niya ang hinihingi ko! Sinubukan ko na ngang maging mabait pero sinagad na naman ako ng babaeng 'yon.

Nakakainis siya dahil noong ako ang tumatawag hindi ako pinapansin. Kinakausap ko pero walang kibo! Samantalang noong si Matthew ang tumawag, parang mawawarat na 'yung labi sa kakangiti.

Unfair...

Palagi na lang gano'n...

Paano naman ako?!

Oo nga pala, wala palang kami!

May karapatan akong magselos pero wala akong karapatang manumbat o magalit. Ang sakit lang dahil hanggang selos lang ang kaya kong gawin. Gusto ko na siyang palayuin sa akin pero ako naman 'yung hindi makatagal ng hindi siya nakikita.

Ako yata ang baliw dito eh!

Hinalikan ko na nga't lahat-lahat wala pa rin! Wala ba talaga akong epekto sa kaniya? Hindi man lang ba siya kinikilig sa akin? O kahit crush lang? O kahit napopogian na lang?

Wala ba talaga?!

Namimiss ko na siya, gusto ko ng magsorry pero naiinis pa rin ako. Ang dami ko ng pagkain sa bag dahil iniisip ko na baka mamaya magutom na naman siya. Gusto ko na siyang subuan ng Hi-Ho o ng Oreo tapos papainumin ko siya sa tumbler ko na pinambato niya sa akin kaya siya nagkandadapa-dapa.

Ang kulit kasi...

Buti na nga lang absent 'yung Coach nila dahil kung nandito 'yon baka masuntok ko lang siya sa sobrang inis ko. Patola siya! Pedophile amp! Ang bata-bata pa ni Danica! Siya 29 na! Bakit hindi na lang siya maghanap ng naaangkop sa edad niya?!

Si Yixing nga rin natatakot para kay Sydney. Medyo makarat din kasi ang isang 'yon kaya natatakot siya na baka si Sydney naman ang sunod. Balak na nga sana namin siyang isumbong kay Coach Limer, ang kaso baka malaman ng mga teachers and staff na buhay na naman ang KU Secret Files! Nag-left na nga ako ro'n para hindi ako sumabit.

Anong sasabihin namin kay Coach Limer kapag tinanong kami kung saan galing ang balitang 'yon?

Sa Secret Files? Eh di nabuko kami!

Hindi rin naman namin pwedeng sabihin na sumakay sila sa kotse noong isang araw! Hindi sapat 'yon!

Naglalakad ako papunta sa Court, nakita ko na sina Yixing na nagkukwentuhan. Bidang-bida na naman si JC dahil panay na naman ang kuwento niya ng kung anu-ano. Kung may Most Valuable Player sa larangan ng chismisan, hindi na kami lalaban! Kay JC na kaagad 'yan, matic na 'yon!

"Kamusta ang mga tanod ko?" Pabirong tanong ko. Nagtawanan naman ang mga loko.

"Ito tapos ng rumonda," sagot ni Guione. "Magandang umaga Kapitan!"

"Hindi ako tanod, kagawad ako," sabi ni JC. Talagang tumayo pa siya para lang ipagyabang na kagawad siya.

"Eh di wow," sabi ko.

"Hala ikaw Luke ah, ginaganiyan mo na ako ah. Hindi mo na ba ako mahal?" Lumapit siya sa akin at akmang yayakap. "Luke akin ka lang."

"JC doon ka nga!" Tinulak ko pa siya bago siya makalapit sa akin. Lumayo ako sa kaniya at nanakbo sa ikalawang bench.

"Luke," nagbakla-baklaan siya sa harap ko.

"Doon ka! Kadiri ka!" Umakyat pa ako sa taas pero naririnig ko pa rin ang tawanan nila. "'Wag kang lalapit sa akin! Susuntukin talaga kita!"

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon