🏰GLYDEL🏰
Nagpaalam na ako kina Jade matapos naming mag-usap. Sinabi ko sa kaniya na hindi ko na muna ipapagamot si Alex dahil base sa naresearch ko may mga tao pala talagang nag-reregress. Lalo na kapag stressed or depressed sila. Ikinuwento ko rin kay Jade ang lahat ng nangyari at 'yon din ang sinuggest niya.
Baka raw kasi magsuicide nga siya...
Hindi malabong mangyari 'yon dahil nangyari na nga noong isang araw. Nagpahampas siya para lang magpakita ako sa kaniya.
Sutil na bata...
Parang ako...
Kaya natakot na rin ako sa kung ano ang pwede niyang gawin. Idagdag mo pa 'yung nakasunod siya sa amin na maski si Reiven hindi siya napansin. Kilala ko si Reiven, matinik ang isang 'yon at hindi basta-basta naiisahan. Kaya kung nagawa siyang isahan ni Nguso baka mas matindi pa ang isang 'yon.
Noong nalaman kong pinatumba niya lang ang mga Buwitre ay nanumbalik ang tiwala ko sa kaniya. Pwedeng-pwede ko na ulit siyang pakawalan dahil nang-uumbag pa rin pala siya.
At magandang balita 'yon...
Kahit na may pagka-isip bata siya...
Pinarada ko kaagad ang kotse ko ng makarating ako sa ospital. Buti nga nakauwi pa ako dahil nag-aalimagyo na talaga. Nilalamig na nga rin ako dahil malamig naman talaga.
Gusto ko ng kape...
Kape na lang dahil ayaw akong diligan ng matandang pangit na 'yon...
Ang arte-arte akala mo naman pogi...
Pumasok na ako sa loob ng ospital dahil ang sabi ni Morgan may mahalaga raw kaming pag-uusapan. Wala pa akong balita sa kung ano ang nangyayari dahil hindi pa naman ako nakakapagbasa ng diyaryo.
"Good evening po," bati sa akin ng mga tao sa ospital. Tinanguan ko lang sila dahil mayabang ako.
"Asawa ni Mamba?"
"Oo sis, siya ang Nanay nila Sir Python 'tsaka 'yung babaeng kasama niya noong nakaraan."
"Ang ganda no?"
"Oo, kaso parang bagets pa besh."
"Hindi may edad na raw 'yan, hindi lang halata."
"Ay weh? Kainggit..."
"Dalawa na pala anak ni Mamba?"
"Oo nga eh, ngayon ko lang nakita 'yung isa."
"Kapag nakita niyo 'yung bunso ni Mamba, ang ganda rin."
"Ay oo nakita ko 'yon noong isang araw."
Parang gusto kong tumawa dahil sa lahat yata ng ospital, ito ang may pinakamaraming tsismosa. Naturingang sikat at kilalang ospital pero sandamukal ang mga asal tsismosang kapitbahay.
Dumiretso na ako sa elevator at inihanda ang sarili ko para awayin ang Ex-Bibi ko. Nakipag-BIBI-reak na nga kasi ako kanina sa kaniya.
Teka...
Paano nga ba naging kami?!
T*ngina parang hindi ko alam kung paano?
Napangiwi ako habang naghahantay makarating sa taas. Lumabas kaagad ako at dumiretso sa suite ni Nguso. Tulog ang magaling kong anak pero kiniss ko pa rin siya dahil 'yon ang pangako ko.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...