🏰DARYLLE🏰
"Glydel? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Mama kay Tita. Nakapantalon siya, nakasando at naka-leather jacket na itim. Parang bumata nga siyang tignan kumpara no'ng nakaraan. Nakapuyod din ang buhok niya at nakashades pa.
Sinarado ni Luke ang pinto at naupo. Nagtataka rin nilang tinignan si Tita. Ibang-iba kasi ang hitsura niya.
"Pinapapunta niya ako rito eh." Nakaturo si Tita Glydel kay Alex.
"Ang sabi mo hindi ka pupunta," sabat ni Alex.
"Siyempre joke lang 'yun no. Matitiis ba naman kita? Eh ang lakas-lakas mo sa akin." Ani Tita Glydel.
"Ang pangit mo talaga!" Asik ni Alex.
"Mas pangit ka!" Sigaw naman ni Tita. Napailing na lang si Mama. "Sandali nga lang..." Unti-unting tinanggal ni Tita ang shades niya at sinabit 'yon sa sandong suot niya. Hinawakan niya ang baba ni Alex at inangat ng marahan. "Bakit namumula ang mata mo? Umiyak ka ba?"
Nilingon ko si Alex, unti-unting humaba ang nguso niya at umiyak. Ang paraan ng pag-iyak niya ngayon ay pareho ng iyak niya noong Acquaintance Party.
Ngawngaw na naman...
Bakit ganiyan siya umiyak 'pag kaharap si Tita?
Samantalang kanina tahimik naman siya.
Nagkatinginan pa kami nila Kendrick. Alam ko gusto na niyang tumawa nagpipigil lang.
"Bakit ka umiiyak?" Hinahagod ni Tita ang likod ni Alex. Imbes na sumagot ay lalong lumakas ang iyak niya. Yumakap siya kay Tita tulad nung Acquaintance Party. Kinuha ni Tita ang panyo niya at pinunasan ang mukha ni Alex. "Bakit ka umiiyak ha?" Mahinahong tanong ni Tita.
Ganiyan siya kay Ate Danica noon...
"Ina... Ina..." Hindi niya matuloy ang sasabihin niya dahil sa paghikbi.
"Darylle tubig," baling sa akin ni Tita.
"Ma may tubig ka?" Tanong ko kay Mama. Binuksan niya 'yung bag niya at kinuha ang tubig niya. 'Yan si Mama kahit Chanel pa ang bag niyan hindi 'yan mawawalan ng mineral water.
Uminom kaagad si Alex. Tinungga niya lahat habang nakatingin kay Tita.
"Ano? Bakit ka umiyak?" Muling tanong ni Tita.
"Inaway niya 'ko," sagot ni Alex habang nakaturo kay Mama!
Nagpapaawa lang yata 'to eh...
"Oy wala akong ginagawa diyan." Depensa ni Mama.
"Sinasabi mo bang nagsisinungaling ang alaga ko? Hindi naman 'to iiyak ng walang dahilan," inis na sabi ni Tita.
"Pinagsabihan ko lang," ani Mama.
"Pinagsabihan? O pinagalitan? Magkaiba 'yon eh."
"Ang tigas kasi ng ulo niyan eh," sabi ni Mama.
"Eh di pinagalitan mo nga." Humarap siya ulit kay Alex.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...