Chapter 83: KNEW

166 12 0
                                    

🏰LUKE🏰

Nang matapos ang meeting nila Coach, pinaligo na niya kami. Ngayon niya personal na mamimeet ang magiging Coach ng mga babae. Sa Monday na raw magsastart, meron pa siyang two weeks para kabisaduhin ang mga players niya. Medyo mahirap pero kung magaling siya kakayanin niya naman.

Habang naliligo ako, iniisip ko ang mga sinabi ni Alex. Ang sabi niya hindi siya si Audrey, pero bakit alam niya ang tungkol do'n? Pakiramdam ko tuloy pinaglalaruan niya na naman ako.

Lumabas ako ng washroom, saktong nakita ko siyang nakatayo ro'n sa washroom ng mga babae. Nagmamadali talaga ako dahil dadaan ako sa hospital. Noong isang araw pa ako tinatawagan nila Tito Rod para papuntahin do'n pero ngayon lang ako nakaisip pumunta.

"Halika nga rito." Basta ko na lang siya hinila papunta sa likod ng washroom. Pabalibag kong binitawan ang braso niya. Nakakunot ang noo at parang sinusubukang basahin ang nasa isip ko.

"Anong problema mo?"

"Bakit alam mo 'yung tungkol do'n? Kung hindi ikaw si Audrey, bakit alam mo 'yon?"

"Alam ko 'yon kasi ako 'yon."

"Eh di ikaw nga si Audrey. Inamin mo rin!"

"Oo ako 'yung babaeng hinostage ng magnanakaw pero hindi ibig sabihin non ako na si Audrey. Kailan ka ba titigil? Nakakainis ka na ah!"

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. "Bakit kasi ayaw mo pang aminin?" Galit kong tanong habang inaalog balikat niya.

"Bitawan mo ako!" Ginamit niya ang dalawang kamay para alisin ang pagkakahawak ko. Isang malakas na sampal ang natanggap ko. "Ang lakas naman ng loob mong gawin sa 'kin 'yan! Kung ayaw mong maniwala sa akin eh di 'wag! Hindi kita pinipilit! Paniwalaan mo kung anong gusto mong paniwalaan! Wala akong paki sa 'yo!" Sinampal niya pa ako ulit ng mas malakas. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. "'Yan ang dapat sa 'yo, ng magising ka na sa kabaliwan mong kupal ka!" Tinulak niya ako at galit na umalis.

Nasapo ko ang noo ko. Sumandal ako sa pader at napapikit. Bakit ko ba kasi ginawa 'yon? Kasi naman eh, bakit niya alam 'yon? 'Yon ang unang beses kong nakita si Audrey eh.

Lalong lumakas ang kutob ko...

Noon ang sabi niya alaga siya ni Tita Glydel. Ngayon kine-claim naman ni Danica na anak siya ni Tita Glydel.

All of a sudden?

Pero bakit nga naman siya aalagaan?

Hindi rin naman talaga mukhang katulong si Tita Glydel o maski si Tita Gloria.

Hinawakan ko ang pisngi ko. Ang sakit non ah. Nagmadali akong lumabas do'n at kinuha ang bag ko. Tinakbo ko mula sa washroom hanggang sa parking lot. Sumakay ako sa kotse at nagpunta na lang sa hospital. Humarap ako sa salamin, unti-unti ng nawawala ang pamumula. Napailing pa ako ng maalala ko ang ginawa niya.

Siya pa nanampal?

Nakakahiya naman sa kaniya...

Siya na nga may atraso!

Bago ako dumiretso sa hospital, bumili muna ako ng pwedeng dalhin. Binigay na sa akin ni Tito Rod ang room number niya kaya wala na akong problema. 'Yung sasabihin ko na lang ang iniisip ko. Ano nga ba ang sasabihin ko?

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon