🏰ALEX🏰
Maaga ako nagising dahil naninibago ako. Ngayon na lang ulit ako nakatulog dito.
"Ang lamig!" Umikot ako sa kama at niyakap ang unan. Ang sarap matulog pero 'di na ako makatulog kaya bumangon na ako. Nagulat ako ng makita ko si Glydel na nakaupo sa sofa. "Bakit nandiyan ka?"
"'Wag kang masiyadong maingay baka manibago sila sa 'yo. Kumain ka na," tinuro niya 'yung pagkain na dala niya. "Ubusin mo 'yan ah."
Tumayo na ako at naglakad palapit sa center table.
"Nasaan ang gamot mo? Nilagay ko 'yon sa bag mo ah. Nakita mo ba?" Nakaupo siya sa harap ko at nakakrus ang braso.
"Nakita ko, pero naiwan ko 'yon kagabi."
"Bakit mo iniwan?"
"Bingi ka ba? Kasasabi ko lang naiwan hindi iniwan. Magkaiba 'yon."
Inirapan niya ako. "Eh akala ko ba kaya mo ng labanan? Eh ano 'yung kagabi? Gano'n na pala 'yung nararamdaman mo bakit hindi ka pa umuwi?"
"Sinubukan ko lang kung gaano ko katagal matatagalan 'yon. Mas matagal kaysa noong una."
"Ang sabi mo sa akin hindi ka na natatakot? Eh bakit nangyari 'yon sa 'yo kagabi?"
"Naiwan ko nga kasi 'yung gamot. 'Wag mo na akong bungangaan. Tapos na, nangyari na eh."
"Masiyadong marami 'yung kaibigan mo. Bawasan mo 'yun. Si Darylle lang okay na."
"Hindi ko kaibigan ang mga 'yon. Si Darylle lang." Nagsimula na akong kumain. "Namiss ko luto ni Erning."
"Akalain mo 'yun nanalo ka pang Queen of the Night," nakangising sambit niya. "Dalhin mo 'yang korona at sash mo. Hindi 'yan pwedeng makita rito."
"Itago mo na lang diyan. Hindi naman sila pumapasok dito eh."
"Kahit pa, ilang taon ng hindi dumadalaw dito 'yon. Baka magulat na lang tayo biglang sumulpot 'yon. Lagot tayo, lagot AKO."
Hindi niya binanggit ang pangalan pero alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.
'Yung matandang nagpupunta rito dati.
"Peram motor," sabi ko bago siya lumabas ng kwarto bitbit ang tray.
"Aanhin mo?"
"Gagamitin ko alangan namang kainin ko 'di ba?"
"Napakabait mo talagang bata," iiling-iling siya.
"'Yung mura lang ha? Baka mamaya pag-usapan na naman ako."
Tumawa siya ng malakas. "Mura? Ano 'yon? Hindi ko alam ang ibig sabihin non."
"'Yung mumurahin na motor lang."
"Mukha bang may murang gamit dito? 'Yan nga lang pantulog mo libo na eh."
"Nakakainis naman eh!"
"Walang murang motor dito pero 'yung guwardiya sa labas meron."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
Narrativa generaleBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...