Chapter 10: CLUB REORGANIZATION

246 32 4
                                    

🏰DARYLLE🏰

Nakatambay kami sa room habang hinahantay na mag-bell. 'Yon ang hudyat ng umpisa ng Club Reorganization. May sinend na link sa group namin. Kailangan daw 'yung fill-up-an para sa QR code na kakailanganin sa attendance. Abala ang lahat sa pagdutdot sa kani-kanilang cellphone.

Naka-PE uniform kami ngayon kaya mas kumportable gumalaw. Narinig na namin ang bell kaya nagtayuan na ang lahat.

"Guys pila ha?" Paalala ng president namin.

Naglabasan na 'yung mga classmate namin. Do'n kami sa dulo pumwesto.

"Nae-excite na ako sa Acquaintance Party." Pasayaw-sayaw pa si Sydney habang naglalakad.

"My mom told me that I must wear revealing clothes for the party." Natatawang sabi ni Cassey.

"Ano sabi mo?" Tanong ko.

"Sinabi ko sa kaniya na we're not allowed to wear that kind of clothes or dress."

"Ano sabi niya?"

"She insisted but I refused it. Baka mamaya bungangaan ako ni Mrs. Gracia."

"Uy bukas ah!" Paalala ko baka kasi nakalimutan niya 'yung tungkol sa stroll.

"Oo mamaya imemessage ko sa group kung saan tayo magkikita-kita."

Inilabas na namin ang cellphone namin para i-scan bago pumasok. Naghanap kami ng mauupuan. Magkakatabi kaming anim sa bandang likod.

Wala palang naka-assign na buwan para sa ABM, HUMSS and STEM. Magiging active lang kami sa Foundation Week, pero meron pa rin kaming mga project na related sa amin. Tulad namin, ABM more on business kami. As usual part ng trabaho namin ang kumita ng pera. Puro old students din ang naging officers ng club na 'to.

Pinag-usapan ang tungkol sa T-shirt pati ang kulay at tatak nito. Nag-meeting din tungkol sa magiging project namin sa Foundation Week. Magtitinda kami ng pagkain 'yon lang ang naintindihan ko.

"Ang tagal naman, ang simple-simple lang ng pag-uusapan inabot na ng dalawang oras," reklamo ni Alex ng makalabas kami.

"Gutom na ako," ani Sydney.

Napaatras agad kami ng makita namin kung gaano karami ang tao ngayon sa Canteen. Nagkasabay-sabay kasi ng break ang lahat.

"'Wag tayo dito," tumalikod agad si Alex at naglakad palayo.

"May dala akong pagkain. Paghati-hatian na lang natin." Pinakita sa akin ni Sydney 'yung laman ng bag niya.

Nagpunta kami sa covered court at umupo sa bleachers. Kaming apat na lang ang magkakasama humiwalay sa amin sina Kendrick dahil may aasikasuhin daw sila sa Sports Club.

"Saang Non-academic Club tayo sasali?" Tanong ni Cassey sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Sa Dance Club tayo," yaya ni Sydney.

"Ayoko sumayaw mas gusto ko pa kumanta," nakangusong sabi ni Cassey.

"As if naman na maganda ang boses mo," ani Sydney.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon