Chapter 49: SUMBONG O PERYA

187 16 0
                                    

🏰ALEX🏰

Nakaupo pa rin kami rito sa bench at hinahantay na bumalik ang Headcoach ng Basketball. Sana lang 'wag kaming isumbong ng isang 'yon dahil baka mapauwi na talaga ako. Sa palagay ko naman hindi siya sumbungero. Magkakasundo kami kung hindi niya kami isusumbong.

Hahanapan ko pa siya ng love life dahil narinig ko kina JC kanina wala daw asawa 'yon kaya medyo bugnutin.

May kilala pa naman akong single...

Tapos bugnutin din...

Bagay sila 'pag nagkataon...

Nagtatawanan sila dahil kay Kendrick at JC samantalang ako nakaupo, tahimik dahil tinatamad akong magsalita.

"Hoy te ano ka na diyan?" Baling sa akin ni Kendrick. "Napipi ka na naman?"

"Masakit nga daw labi niya 'wag mo ng okrayin," ani Georgina.

"Sus kinikilig lang 'yan," sabat naman nitong walang mata. "Ang babae kasi 'pag kinikilig nananahimik."

"Gano'n ba 'yon?" Tanong ni Darylle. "Parang hindi naman. Si Sydney nga 'pag kinikilig nananabunot eh."

"Kaya nga si Kendrick nanghahampas," dagdag ni Georgina.

"Hindi kasi pare-pareho ang mga babae. 'Yung iba showy 'yung iba naman hindi. 'Di ba Jason?" Siniko ko siya ulit. Gulat na naman siyang napatingin sa akin.

Akala niya siguro hindi ko siya napapansin ha?

Neknek niya...

Jason 'wag ako...

"Yieeee!"

"Ang daya talaga!" Sigaw ni JC.

"Eh alin ka ro'n sa dalawa?" Tanong na naman nitong si Singkit.

"Wala, hindi naman ako kinilig."

"Weh? Pwede ba 'yon? Hindi ako naniniwala."

"Eh di 'wag kang maniwala. Hindi naman kita pinipilit eh at wala rin akong balak na pilitin ka."

"Ang ibig mong sabihin hindi ka kinikilig ngayon? Ngayong katabi mo crush mo?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Ano?" Napalingon ako sa kaniya.  "Crush? Wala akong crush."

"Weh? Eh bakit ka tumabi kay Jason?"

"Bakit bawal? Tumabi lang crush agad? Kung tatabihan ko ba kayong lahat ngayon ibig sabihin non crush ko na rin kayo?"

"Hindi naman pero kasi tinawag mo siyang pogi 'di ba?"

"Kanina 'yon, ngayon pangit na siya," inis kong sambit.

"Pwede ba 'yon?" Kunot noong tanong ni Singkit.

"Ang gwapo ay dumedepende sa mood at interes ng tao. 'Yung iba gusto maitim 'yung iba naman maputi. Pwedeng gwapo ka ngayon tapos mamaya hindi na."

"Ganiyan ka ba kabilis magpalit ng gusto?" Napalingon kaming lahat ng biglang sumabat si Luke.

"Oo bakit? May problema ba?"

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon