🏰GLYDEL🏰
Binilhan ko muna siya ng ice cream at naupo sa upuan sa labas ng Ice world. Buong akala niya ang Ice skating ay nakakain din tulad ng ice candy, kaya binilhan ko na lang muna siya ng ice cream na chocolate tapos pinag-grocery ko siya ng baon niya bukas.
Iawas ko na lang daw...
Panay ang punas ko sa bibig niya dahil ang kalat niyang kumain. "Gusto mo pa?"
"Ayaw na Mamaw," nakangiting sabi niya. Pinunasan ko ang bibig niya at ang kamay niyang malagkit na. "Tara na Mamaw punta na tayo ro'n." Tinuro na niya ang Ice world. Lumapit na ako sa bantay non. Naupo na kami at hinantay ang bantay na ibigay ang ice skate na kasiya sa amin. "Excited na ako Mamaw!"
"Marunong ka ba niyan?"
"Oo," mayabang niyang sagot. "Ako pa ba?"
"Okay," sabi ko. Nakangiti kong tinanggap ang ice skate na para kay Alex. Lumuhod ako at sinuotan siya non. "Maluwag?"
"Hindi Mamaw," umiling siya at ngumiti. Nakita kong nanlaki ang mata niya ng makita ang ilalim ng sapatos.
Hindi yata marunong 'to eh...
"Thank you," sabi ko ng matanggap ko na ang sa akin. Sinuot ko 'yon kaagad dahil excited na ang anak ko. "Tara," hinawakan ko ang kamay niya at humawak muna sa gilid para maalalayan ko siya. Nanginginig kasi ang paa niya. "Kaya mo?"
"Kaya!"
"Sigurado ka ha?"
"Yes! Yes! Yow!"
"Okay," nagsimula na akong maglakad. Iniwan ko siyang nakatayo ro'n. "Tara rito," yaya ko pero hindi siya gumagalaw at binabalanse ang sarili niya. "Hindi mo yata kaya eh."
"Hindi kaya ko! Kaya ko Mamaw!" Nagsimula na siyang maglakad pero bumalentong siya kaya natawa ako.
"Kaya pala ha?" Lumapit ako sa kaniya at inalalayan siyang makatayo.
"Mamaw hindi ko pala kaya."
"Alam ko," pinagpag ko ang damit niya. Yumakap sa akin ang paslit kaya muntik kaming mabuwal. "I love you Nguso."
"I love you too Mamaw!"
"I love you Nguso!" Sigaw ko sabay sulyap sa kaniya.
"I love you too Mamaw!"
"Si Nguso ang pinakamahal ni Mamaw!"
"Si Mamaw ang pinakamahal ni Nguso!"
Sabay kaming natawa bago ko siya inalalayan. Nagpunta kami sa gitna at doon pinagpatuloy ang pag-iingay.
"Ang pangit ni Nguso!"
"Mas pangit si Mamaw!"
"Ang pangit namin ng anak ko!"
"Ang pangit namin ng Mamaw ko!"
"Ang baho ng tae ni Nguso!"
"Mamaw 'wag 'yon," pagmamaktol niya kaya natawa na naman ako.
"Oh sige, iba na lang." Tumingala ako at nag-isip ng pwede pang isigaw.
"Ang laki ng b**bs ni Mamaw!"
Nanlaki ang mata ko ng lingunin ko siya. Nginisihan niya ako, mukhang hinahamon ako.
"Ang tamad mo Nguso!"
"Mas tamad ka Mamaw!"
"Wala kang pera Nguso! Mahirap! Buraot!"
"May card na ako! Galing kay Papa kaya mayaman na ako!"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...