🏰DARYLLE🏰
Nakabihis na kaming lahat, hinahantay na lang namin si Alex na dumating.
"Nasa'n na ba 'yang batang 'yan? Pupunta ba talaga siya?" Tanong ni Mama habang nakatingin sa relo niya. "Baka hindi 'yon sasama. Alam niyo naman 'yon 'pag tinamad. Darylle tawagan mo nga."
"Wait lang Ma," lumapit ako sa living area dahil nandoon ang cellphone. Nagchacharge kasi ako para mamaya. Nagplano rin kami na manunuod ng movie after kumain. Dinadial ko pa lang ang number ni Alex ng may magdoorbell. "Baka siya na 'yan."
Agad na tumayo si Ate para pagbuksan ng gate 'yung nagdoorbell. Hindi ko na tinawagan si Alex dahil baka siya na 'yon.
"Hay naku! Bakit ba kasi bigla-bigla kayong nagyayaya?"
Mukhang mali ako dahil hindi boses ni Alex ang narinig ko.
"Darylle tignan mo si Tita dali!" Excited na sabi ni Ate.
Agad akong napatayo dahil na-excite din ako. "Wow!" Bulalas ko.
Ang ganda niya talaga...
"Oh? Bakit nakadress ka? Kakain lang naman tayo ah." Gulat na tanong ni Mama.
"Bakit bawal?!"
"Hindi naman, ngayon ka na lang ulit nagsuot ng..." Pinasadahan pa ni Mama ng tingin si Tita. "Ganiyan," dagdag niya.
"Dalian niyo na! Iritang-irita na ako sa suot ko!" Reklamo ni Tita.
"Eh bakit ka ba kasi nagsuot ng ganiyan? Hindi ka pala komportable."
"Wala na akong maisuot," sabi ni Tita. Palihim kaming napangiti ni ate.
"Tita baka naman may tinitibok na 'yan ha?" Mapang-asar na tanong ni Ate.
"Hoy ikaw Darlene tigilan mo ako! Ayoko niyang tibok-tibok na 'yan!" Finlip niya pa 'yung buhok niya.
Ganda ng hair...
Totoo 'yon, bagsak na bagsak ang buhok ni Tita. Parang gusto ko tuloy magpalit ng damit kasi nakashort lang ako. Si Mama kasi nakablouse at nakajeans. Si Ate naman at naka T-shirt tapos skirt. Si Tita nakadress at si Alex-
Nakadress din?
"Oh paano ka nakapasok?" Tanong ni Mama.
"Bukas 'yung gate eh," sagot niya.
"Hala naiwan ko sorry," ani Ate.
Teka...
Biglang tumalikod si Tita para tignan si Alex.
"Hoy! Bakit?.. Bakit?.. Bakit pareho tayo ng suot?!" Kumurap-kurap si Tita na parang hindi makapaniwala. "Gaya-gaya ka talagang bata ka! Wala kang originality! Ang pangit mo!"
"Mas pangit ka!" Sigaw ni Alex. "Malay ko ba na susuotin mo 'yang binigay ko sa 'yo."
Kay Alex galing 'yung damit? Wow!
"Eh bakit kasi bumili ka ng kapareho ng sa akin?" Inis na tanong ni Tita.
"Bakit bawal ba?! Malay ko ba na nagsusuot ka pala ng ganiyan!"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...