🏰SEAN🏰
When I got home, I went to my room and slept. When I woke up I went downstairs. I'm craving for ice cream. 'Yan ang kinakain namin ni Audrey before. Nahilig lang rin ako diyan dahil sa kaniya.
I saw my big sis eating dinner alone. We have our own preferences when it comes to food and that's the reason why we don't eat dinner together.
"Wala ng ice cream." Ate Shane said. Hindi pa ako nakakalapit sa fridge ng sabihin niya 'yon. Malamang natunugan niyang 'yon ang pinunta ko.
"What?" I almost hissed.
"Inubos na namin ni Manang kanina."
"F*ck!" I clenched my fist and gritted my teeth. I want ice cream.
"Sorry," she smirked. "Bumili ka na lang."
"Kapag wala akong nabili papatayin kita." I heard her laughed.
I went to my room to get my key. I asked Manong Guard to open the gate.
"Saglit lang ako Manong. Pahantay na lang po ako," bilin ko sa guwardiya.
Dapat sa Ice Cream House ang punta ko pero tinamad ako kaya sa Ministop na lang. I opened the door and looked for an ice cream. I grabbed two gallons of ice cream. I went straight to the counter after that.
I saw a girl wearing a black cap. I find it cool. She's having a hard time carrying two bags and one plastic bag from Ministop. Hindi ko maalis ang paningin ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit. Nakatalikod siya pero pakiramdam ko ang ganda-ganda niya. Tumigil siya sa paglalakad at nagtindigan ang mga balahibo ko ng sandaling lingunin niya ako.
Audrey...
I blinked three times para makasiguro na hindi ako namamalikmata. Naglakad na siya ulit. I quickly run after her.
"Sir! 'Yung binili niyo po!"
Hindi ko pinansin ang babaeng 'yon. I saw her ride on a jeepney. I followed that jeepney using my car. Inangat ko ang sarili ko para silipin siya at hindi nga ako nagkamali, si Audrey nga!
Nasingitan ako ng isang SUV kaya nawala ang paningin ko sa jeep.
"Audrey wait for me..." I said while driving. Hindi ko na alam kung saang lugar 'to basta sinusundan ko na lang ang jeep. Nakarating kami sa may traffic na part. Hindi ko makita ang jeep na sinasakyan niya pero nakita ko siyang naglalakad patawid sa kalsada.
I jumped out of the car that instant. "No no no no no." Hinabol ko siya pero ang bilis niya maglakad. "Audrey! Audrey! Audrey!" Nasabunutan ko ang buhok ko ng hindi man lang siya lumingon.
F*ck! Hindi niya ba narinig?!
Nanakbo ako patawid pero napaatras din ako dahil may humaharurot na sasakyan. Halos mabingi ako sa lakas ng busina niya.
"Hoy paharang-harang ka!" Narinig kong sigaw ng driver.
"F*ck you!" I shouted in frustration. Nang ibalik ko ang paningin ko, hindi ko na siya nakita. "No! Damn it!"
"Hijo? Sa 'yo ba 'yung blue-ng kotse? Nakaharang sa daan," ani tsuper. "Pakialis na ro'n at nagagalit na 'yung mga nakasunod sa 'yo."
"Shut up!" Inis kong sigaw sa tsuper. Nang makasakay ako sa kotse ko, agad ko 'yung itinabi. Hinampas ko ng malakas ang manibela. "Put*ngina! H*yop! Malas! Bwiset!"
Pakiramdam ko pinaglalaruan ako ng tadhana. I saw her but I can't even touch her. Nakita niya ba ako? Siyempre hindi kasi kung nakita niya ako lalapit siya sa akin.
Pero paano kung...
Paano kung galit siya? Kasi iniwan ko siya. This is all my fault. I should have chosen her.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...