🏰LUKE🏰
Hindi talaga kami nakalabas ng walang dala. Nakailang tanggi na kami dahil sobrang dami nilang binibigay pero ayaw nilang pumayag. Magagalit daw sa kanila ang may-ari 'pag hindi namin 'yon kinuha. Grabe ang takot nila kay Tita Glydel. Ang kuwento pa ng mga saleslady, sobrang sungit daw non. Ayaw ng maalikabok, madumi at maingay.
Mahilig daw si Tita Glydel sa surprise visit kaya lagi silang alerto. One time nga raw, nagtanggal siya ng empleyado dahil nagkunwari si Tita Glydel na ordinaryong tao lang. Nakailang tanong daw si Tita Glydel sa saleslady pero hindi siya pinapansin dahil akala wala siyang pera. Sa sobrang galit daw ni Tita sinesante siya sa trabaho.
Tama naman...
Paano nga kaya kung ibang tao 'yon?
Eh di hindi niya papansinin dahil walang pera?
Salbahe...
"Nakajackpot tayo ro'n ah," ani Guione habang pinagmamasdan ang mga dala namin. Kalalabas lang namin ng store. Sila Ate Janine kinakausap pa ni Michael Osbourne. Ihahatid ko na sana siya sa bahay nila pero sabi ni Ate Darlene siya na raw ang bahala. Dumagsa rin ang tao dahil nalaman nila na nandito si Michael Osbourne. Palibot-libot lang daw kasi sila, kung saang branch nila matipuhan doon ang punta nila.
"Guione 'wag kang maingay ha?" Ani Matthew. "Baka magkuwento ka kung kani-kanino."
"'Wag ka mag-alala brader, mapagkakatiwalaan mo ako diyan. Baka bumad shot ako kay Glydel my loves," sabi niya sabay tawa.
"Seriously?" 'Di makapaniwalang tanong ko. Wala ng ibang bukang bibig.
"Bakit?" Tanong ni Guione. "Age doesn't matter. At isa pa, hindi naman halata sa mukha niya na matanda na siya ah. Ilang taon na nga ulit 'yon?"
"47 yata," sagot ni Matthew. Tinanong kasi namin 'yan noong nanlibre si Tita Glydel.
"Oh 'di ba? Fourty seven siya, magna-nineteen na ako," sabi niya sabay turo sa sarili. "Age is just a number."
"Kaya pala naka-Michael Osbourne si Alex noong Acquaintance," seryosong sabi ni Matthew habang tinatahak namin ang daan pabalik. Regalo na lang ni Sean ang kulang. "Akala natin, taga-alaga lang siya ni Alex tapos siya pala ang Nanay. Kaya pala gano'n na lang ang gulat ko ng makita ko ang kotse ni Tita. Alam kong hindi siya basta-basta lang pero never pumasok sa isip ko na siya ang may-ari nito." Itinaas niya ang paper bag na pinaglalagyan ng mga damit. Kinuha pa ang infos namin like names, age, address dahil kailangan daw 'yon.
"Kaya nga eh," sabi ni Guione. "Alam kaya ni Glydel my loves na may shota 'yung anak niya na matanda?"
Tinapunan ko si Guione ng nanunuyang tingin. "Manahimik ka na nga," sabi ko. "'Wag mo na siyang isali sa usapan. Sigurado puro sugat na ang dila non dahil pinag-uusapan natin siya."
"Isa pa 'yan sa iniisip ko," saad ni Matthew. Pumasok ulit kami sa store na para lang sa mga lalaki. "Pakiramdam ko mali lang ang iniisip natin." Taka namin siyang nilingon ni Guione. "Dahil noong tinanong ko si Alex tungkol diyan, parang wala lang sa kaniya. Pakiramdam ko tuloy, type siya nung Coach nila pero para kay Alex wala lang 'yon."
Bigla tuloy akong kinabahan. Naalala ko noong nag-away kami ni Danica. Hindi niya alam kung bakit ako nagagalit. Tinanong niya pa ako kung anong ginawa niya sa akin. Ibig sabihin, wala talaga siyang idea!
Hala...
Paano kung?
Gahasain siya non!
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...