🏰DARYLLE🏰
Kanina pa nag-uusap sila Mama ro'n sa lamesa na may kalayuan sa amin. Mukhang seryoso na ang pinag-uusapan nila dahil nanahimik na sila. Hindi tulad kanina na nagsisigawan silang dalawa ni Tita. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko, si Tita pala ang may-ari ng Michael Osbourne!
Kachat ko kasi si Ate dahil panay ang flex niya ng picture nila ng mga kaibigan niya kasama si Michael Osbourne. Pati si Sydney hindi rin makapaniwala, kung hindi pa nagpost si Ate hindi siya maniniwala. Hindi naman kasi sinabi sa kaniya ni Ate Stacey ang tungkol diyan. Pati sila Kendrick alam na rin dahil kay Sydney,ang ingay ng gc namin. Pero sinabi ko sa kanila na 'wag ipagkakalat dahil magagalit si Tita. Kilala ko naman sila, hindi 'yon magsasalita pero ookrayin non si Alex bukas malamang!
Kami nila Eric, Sydney, Cassey at Alex ang magkakasama sa lamesa. As usual, nasa ibabaw nakaupo ang hari na hindi pa tumitigil sa kakakain. Nagugulat pa kami dahil bigla-bigla na lang siyang nanggigil lalo na kapag lumilingon dito si Tita. Babaeng-babae kasi ang dating niya ngayon.
Ang ganda niya talaga...
Ihahatid pa namin 'tong dalawa after namin dito. Wala pa namang 9PM kaya okay lang. Ito na rin ang pinakapahinga namin kasi mukhang nag-eenjoy din sila Sydney, dahil ang daldal rin ni Eric. Panay ang kuwento niya tungkol sa school nila. Nagtanong-tanong na rin kasi kami para sa Monday may idea na kami kahit papaano.
"Tapos alam niyo ba?" Pinatong ni Eric ang kamay niya sa lamesa. "'Yung mga babae ro'n, ang haharot." Nagtawanan kami at sabay-sabay na lumingon kay Sydney. Tumingin siya sa amin na kunwari ay nagulat pa.
"Do'n ka pala dapat nag-enroll eh," sabi ko sa kaniya. "Tutal nando'n naman si Ace."
"Eh di wow," sabi niya sabay busangot. Nakapatong ang cellphone niya sa lamesa, pinapaikot niya 'yon gamit ang daliri niya.
"Mabibingi ka ro'n sa tili ng mga babae," dagdag ni Eric. "Tapos 'pag may mga laro, grabe... Susuko ka sa sobrang ingay!"
"Tatalunin namin kayo," pagyayabang ni Alex. "Madadayang leon! Wala kayong binatbat sa aming mga lobo! Ikaw!" Tinuro niya si Eric na nanlaki ang mata sa sobrang gulat. "Tatalunin ka ng beshiewap ko kahit pareho pa kayo ng jersey number! 'Yung Voltra, Vomba at Vonggo-"
"Vongga," pagtatama ko.
"Ah basta 'yon! Vongga! O kahit na sino pa siya, basahan lang din ang bagsak non. Pamunas ng court," aniya sabay tawa ng malakas na may kasamang pangmamaliit, pang-aasar at kayabangan.
"Ang yabang talaga," bulong ni Eric kaya natawa kami dahil tama siya. Ang tapang din ng isang 'to eh, ako nga hindi ko siya masabihan ng ganiyan lalo na kapag seryoso siya.
"Bakit may angal ka?" Maangas na tanong ni Alex. Kinuha niya ang kutsara niya at humiwa sa cake na kinakain niya. "Nganga," utos niya kay Eric. Nagulat kami nila Sydney dahil kutsara niya 'yung gamit niya. "Nganga..."
"Ayaw ko niyan," ani Eric. Tinuro niya 'yung kutsara para maintindihan ni Alex 'yung pinopoint out ni Eric.
"Ang arte mo ah." Pinisil ni Alex ang pisngi ni Eric gamit ang kaliwang kamay. Bigla niya na lang pinasok sa bibig ni Eric ang kutsara! Nanlaki ang mata namin at napaawang ang mga labi.
"Alex," saway ko. Hinugot ko ang kamay niya kaya naiwan sa bibig ni Eric ang kutsara. "Bad ka..."
"Bakit?" Nakangusong tanong niya na parang iiyak na. "Sinubuan ko lang naman siya ah."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...