🏰GLYDEL🏰
Buhat-buhat ko si Alex habang pababa kami dahil ayaw na niyang mag-sleep. Natakot na ang luka na baka ipagpalit ko raw siya. Naawa pa nga ako dahil pati pagkurap ayaw niya, takot na takot na ipagpalit ko siya. Kaya ayon para siyang umiiyak kanina dahil nagluluha ang mata niya. Pero nangako naman akong hindi ko siya ipagpapalit kaya kumukurap na siya.
Pasaway...
Parang ako...
"Oh gising na pala ang anak ko?" Nakaupo sila David sa sala. Sila lang tatlo ang nandoon. Lumapit sa amin ang Bibi ko.
"Papa I love you!" Sabi ni Alex bago pinagkikissan ang Papa niyang makun-. 'Wag na nga baka tanungin na naman ako.
"I love you too." Hinalikan siya ni Mamba sa noo kaya napangiti ako. "I love you," baling sa akin ng pangit bago humalik sa pisngi ko.
Tames...
"Sila Reiven?" Tanong ko dahil wala sila Darlene dito.
"Nasa likod sila nila Darylle," ani Mamba. "Sama ka sa kanila Bunso nando'n si Umbag."
"Sige," sabi ni Alex. Nagpababa siya sa akin. Sinuotan ko muna ng tsinelas dahil balak na namang kumaripas ng takbo ng nakayapak.
"'Wag masiyadong makulit ha?"
"Yes! Yes! Yow! Mamaw!" Para na naman siyang kiti-kiti habang nananakbo papunta sa likod.
Hinawakan ng Bibi ko ang kamay ko at iginaya ako paupo. Kumandong ako sa kaniya para malupit.
"Ang lalandi oh," sabi ng pinsan ko habang iiling-iling.
"Ayan oh si Morgan, kandungin mo." Inirapan ko siya bago yumakap sa Bibi kong malupit. Naramdaman kong suklay-suklayin niya ang buhok ko.
"Nakita namin 'yung mga bestfriend mo kanina," si Viper.
Natawa kaagad kami nila Mamba. Lumipat na lang ako sa tabi niya dahil umiiling-iling na naman si Ate Gloria. 'Tsaka baka makita na naman kami ni Nguso at kung anu-ano na naman ang gawin niya. Ipinulupot na lang ng Bibi ko ang kanang kamay niya sa bewang ko.
"Eh di nakita mo 'yung ex mo," sabi ni Anaconda bago tumawa ng malakas. Nangunot ang noo ng Amboy naming aport.
"Kung nandito si Sarah malamang sinampal ka non," iiling-iling ang Ate ko. Pinatong niya sa hita ang throw pillow.
"Ah," tumango-tango si Morgan bago tumawa. "Oo nga pala no? Nakalimutan ko."
"Tarantado," ani Ate. Halatang dismayadong-dismayado siya dahil lukot na lukot ang mukha kaya lalong pumangit.
"Eh t*nga siya eh," sabi ng Amboy. "Hindi niya naramdaman na pinagtitripan ko lang naman siya. Malay ko bang deds na deds pala sa akin 'yon?" Binato siya ni Ate ng throw pillow kaya nagtawanan kami dahil nagulat ang Kano.
"Alam mo bang hiniwalayan ni Sarah si Raymond dahil sa 'yo?"
"Oo," nagde quatrong panlalaki si Viper. "Sabi kasi ni Simon, shotain ko raw 'yung Ate niya para makaganti siya eh. 'Tsaka silang dalawa naman nagkatuluyan ah? Dalawa na nga ang trophy nila, ano pang pinuputok ng butsi mo?"
"Tarantado ka kasi."
"I know," inirapan ni Viper ang Ate kong pangit. "Aminado naman ako ro'n dahil totoo naman 'yon."
"Eh bakit mo kasi sinunod? Alam mo namang galit 'yon sa kapatid niya."
"Gano'n kasi kami Gloria. Ang kaaway ng isa, kaaway ng lahat," ani Viper.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
Ficção GeralBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...