Chapter 121: CHICKENS

149 12 1
                                    

🏰REIVEN🏰

Basang-basa ako ng makauwi sa bahay kaya basa rin ang kotse ko. Bahala na, marami naman akong kotse eh. Nanginginig pa ako dahil sa aircon. Gusto ko lang lamigin, baka sakaling may yumakap sa akin.

Hehehehehe...

"Oh? Bakit basang-basa ka?" Tanong ni Papa Viper. Siya na lang yata ang gising dahil kung gising sila Papa Mamba, sigurado nandito sila. Hindi mo kasi sila
basta-basta mapaghihiwalay. Daig pa nila ang kambal na magkakadikit. "Butas ba ang bubong ng sasakyan mo? Dapat dinikitan mo ng bubble gum dahil mahilig ka naman ngumuya non."

Sabay kaming natawa, kahit kailan talaga...

Sila ang nagpapasaya sa akin. Puro rin kalokohan ang laman ng utak ko at dahil 'yon sa kanila. Lumaki akong masayahin tulad nila. At gaya rin nila, may tinatago rin naman kaming lungkot, pero hindi namin 'yon pinapakita.

Bawal maging mahina...

'Yan ang lagi nilang sinasabi sa akin!

"Naabutan lang ako ng ulan sa labas," palusot ko.

"Ayos ka lang ba?" Sumeryoso ang mukha niya. They know me more than anyone. They raised me eh.

"Hmm," tumango ako kahit hindi.

"I know you're not." Tumayo siya at lumapit sa akin. Tinapik niya ang balikat ko. "It's okay son. I know someday, you'll meet someone and that someone will mend your broken heart."

"Ayoko mag-asawa," 'yon kaagad ang lumabas sa bibig ko. Ang sabi kasi nila mag-asawa ako dahil gusto nila ng apo. Mabuti na lang dumating si Boss Baby kaya tumigil na sila sa pagrereto ng kung sino-sinong babae. 'Yon ang kapalit ng pagpayag kong maging Coach ng Basketball Team ng Kingstone. Noong una ayaw ko pero ngayon nagugustuhan ko na. Wala na kasi akong ginagawa eh. Nagtatayo rin ako ng mga bahay pero puro na lang ako utos ngayon. Lamang pa nga ang oras ng pagkukuyakoy ko kaysa magtrabaho eh.

"Wala naman akong sinasabing mag-asawa ka. Don't worry, safe ka na. Thanks to Boss Baby, hindi ka na binubook ng blind date ni Mamba," sabi niya sabay tawa.

"Kaya nga eh," natawa na rin ako. Naalala ko kasi kung paano nila ako pilitin. Binibihisan pa nila akong tatlo para makaisa raw ako kaagad. Anak lang naman daw ang habol nila. Ang sabi ko naman, mag-aampon na lang pero ayaw nila.

"How is she? Alalang-alala kami sa kaniya kanina. Akala namin kung napa'no na."

"Sugat laki lang naman," sabi ko. Ganiyan kasi sila Papa eh, madali silang mataranta lalo na pagdating sa aming mga anak-anakan niya. Ayaw na ayaw nila kaming nasusugatan o maski galos ayaw nila.

Lalo na si Papa Mamba...

Iba magalit 'yon...

'Wag niyo ng hilingin...

"Kahit pa..." Lukot na lukot ang mukha niya. "Padadagdagan ang mga tao bukas para wala ng makapanakit sa kaniya."

"Copy," sabi ko.

"Sino ba ang gumawa non?"

"Hindi ko kilala eh. Ayaw naman sabihin," sagot ko.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon