🏰ALEX🏰
Nilaan ko ang sabado at linggo sa pananalangin ko. Hindi na ako pinabalik ni Mother Uji sa Hospital nang malaman niyang nagkasakit ako.
Tinawag ko na lahat ng santo at santa na pwede kong tawagin. Sinearch ko pa 'yung iba dahil hindi ko sila kilala. Mamatay-matay na ako sa sobrang hirap ng pagbigkas sa pangalan nila.
Hindi naman ako natatakot sa Bridgette na 'yon at sa pamilya niya. Pag-umpog-umpogin ko pa sila eh. Natatakot ako kay Gloria, baka pauwiin ako non.
Sigurado 'yon...
Nag-empake talaga ako ng gamit ko. Para kung sakaling pauwiin ako sasabihin ko mag-eempake muna ako pero ang totoo, tatambangan ko ang pamilya ng Bobitang 'yon.
Napakahusay...
Ilang beses ko rin siyang pinagsasaksak sa isip ko. Nilasoglasog ko ang katawan niya. Habang naglalaro ako ng CF kanina iniisip ko na si Boba ang kalaban ko kaya 'yon kahit patay na binabaril ko pa.
Sayang bala...
Lunes na naman...
Bago ako pumasok, nilibot ko ang bahay na 'to. Mamimiss ko 'to 'pag nagkataon. Sa Miyerkules pwede ng umuwi si Mother Uji kaya baka hindi ko na siya maabutan.
Ayoko pang umuwi...
Hindi rin ako tinawagan ni Darylle kaya hindi ko alam kung sisipot ba si Gloria. Hindi ko tuloy magawang lunukin ang kinakain ko ngayon.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Eric.
"Ako maghuhugas." Bigla ko na lang nasabi 'yon. Ipaghuhugas ko sila ng pinagkainan nila kahit sa huling pagkakataon.
"Seryoso?" Tanong ni Tupe.
"May lagnat ka pa ba ate?" Tanong naman ni Joseph.
"Kayo lang magligpit ng lamesa, ako maghuhugas," sabi ko. Nahagip pa ng mata ko si Eric na tatawa-tawa. "Oh bakit? Gusto ko lang gamitin ang dishwashing liquid na binili ko."
"Papalusot pa," sabi ni Eric.
"Ako magbibigay ng baon sa inyo."
"Yes!"
"Seryoso?" 'Di makapaniwalang tanong ni Eric.
"Oo pati ikaw bibigyan ko. Kasi mayaman ako ngayon!" Sabi ko sa pagalit na paraan kaya nanahimik sila. Sigurado akong iniisip nilang nagbibiro lang ako nang sabihin kong bibigyan ko sila ng baon.
Pinanindigan ko talaga ang sinabi kong ako ang maghuhugas. Inabot ako ng siyam-siyam kaya tinulungan din ako ni Eric sa huli. Nagbihis ako at naligo. Naabutan ko sila na nagaayos ng uniform nila. Paalis na rin.
"Lapit dito," sabi ko. Labag man sa loob ko. Kinuha ko ang wallet ko at inilabas ang sampung isang daan. "Baon niyo." Binigyan ko silang apat ng tig-two-two hundred tapos 'yung isang two hundred binigay ko kay Eric. Ayaw pa nga kunin pero sinuksok ko na sa bulsa niya para hindi na makatanggi.
"Grabe! Ang laki ng baon natin," Ani Joseph.
"Ate? Seryoso ka ba? Wala bang bayad 'to?" Tanong ni Ethan.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...