Chapter 94: PERA

169 11 0
                                    

🏰ERIC🏰

Napalingon ako sa kotse ni Sean na katabi ng sa akin. Nakita ko siya na pinaghahampas 'yung manibela ng sasakyan niya.

Anong problema non?

Nagkibit balikat lang ako habang naglalakad palayo. Bumalik ako sa loob dahil si Ganda nando'n pa. Natanaw ko si Liezel na naglalakad at parang may hinahanap. Nagtago ako sa likod ng standee para 'di niya ako makita. Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas na siya.

Grabe na ang trauma na inaabot ko dahil sa babaeng 'yon. Sana talaga matapos na 'to. Bahala na si Sean sa kaniya.

Kayang-kaya niya na 'yan...

Pero natatakot pa rin ako...

Nagmadali na akong bumalik sa Supermarket dahil sigurado akong tinatamad na si Ganda. Nagmadali akong pumasok sa loob. Hinanap ko siya sa kung saan-saan pero hindi ko siya nakita.

"Ay kabayo," nasapo ko ang dibdib ko ng may tumigil na babae sa harap ko. Maganda siya pero mas maganda talaga si Ganda. Humakbang ako pakanan at humakbang din siya ro'n. Bumalik ako sa kaliwa at gano'n din ang ginawa niya.

Ano na naman 'to?

Natapos ang isa, may bago na naman?

Gano'n ba ako kagwapo?

Nanlaki ang mata ko ng may dinukot siya sa bulsa niya. Hinawakan niya ang palad ko at inilapag ang pera. "Ibigay mo 'yan sa kaniya. Hindi niya tatanggapin 'pag nalaman niyang sa akin galing."

"Teka..." Akma kong ibabalik ang pera ng isara niya ang palad ko gamit ang dalawa niyang kamay.

"Alam kong kailangan niyo 'yan. Basta 'wag mo lang sasabihin sa kaniya na sa akin galing 'yan. Itago mo na lang."

"Saglit lang Miss, hindi kita maintindihan."

"Ibigay mo 'yan kay Rina."

"Kanino?"

Ilang beses na umiling 'yung babae. "Hindi ko alam kung anong pangalan ang gamit niya ngayon, basta ibigay mo na lang 'yan sa kaniya."

"Teka kanino ba? Hindi kita maintindihan eh." Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko talaga alam ang sinasabi niya.

"Sa kasama mo," aniya. Huminga siya ng malalim. "'Wag mo sasabihin na binigyan kita ng pera."

"Anong pangalan mo? Kilala ka ba niya?"

"Oo, kilala niya ako. Hindi ko na sasabihin ang pangalan ko baka sabihin mo pa sa kaniya. Ingat kayong dalawa." Nagpunta na siya sa counter para magbayad ng dala niyang chichirya.

Natanaw ko si Ganda na nakatayo at kunot na kunot ang noo. "Ano sinabi sa 'yo non?"

"Ha?" Tinago ko ang pera sa likod ko. "Wala..."

"Kilala mo ba 'yon?"

Nangunot ang noo ko. Tinatanong niya ako kung kilala ko 'yon. Ang sabi ng babae, kilala raw siya ni Ganda.

Ano ba talaga?

"Binigay niya sa akin 'to." Ipinakita ko sa kaniya ang pera. Hindi ko binilang 'yon pero makapal.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon