🏰ALEX🏰
Tatawa-tawa kong pinatayan si Darylle ng cellphone. Ayaw niya kasing maniwala sa akin eh. Bahal siya sa buhay niya!
"Hoy ikaw! Parang kraser 'yang bunganga mo. Kain ka ng kain hindi ka namimigay. Penge nga!"
Ito talaga si Mama kahit kailan napakasungit. Nakaupo lang kasi kami rito habang sila Papa naliligo. Mukhang hindi rin marunong lumangoy si Mama kaya hindi siya naliligo. Nakanguso kong inabutan si Mama ng Hi-Ho. Pero maarte siya ngayon ang gusto niya subuan ko siya. Paano na lang 'pag tinamad kami pareho? Sinong magpapakain sa amin?
Okay lang...
Nandiyan naman ang Papa ko at ang mga Pañero ko...
"Isa pa," sabi ni Mama. Kanina ko pa napapansin na hindi naman niya nililipat 'yung page ng diyaryo. Kanina pa siya nandiyan, hindi na siya natapos-tapos sa pagbabasa sa part na 'yan. Dinadasalan niya ba?
"Ay oo nga pala, Mama. Alam mo ba? Nanalo kami kahapon sa laro namin. Ang galing ko!"
"Hindi ako naniniwala."
"Mama totoo 'yon."
"Hindi pa rin ako naniniwala."
"Panoorin mo kasi ako."
"Ayoko nga..."
"Salbahe ka," nakangusong sabi ko at nagkunwaring nagtatampo. "Anong klaseng Mama ka? Ang pangit mo na nga, ang pangit pa ng ugali mo."
"Eh di magpa-ampon ka na sa iba," sabi niya. Ramdam ko ang pagkunot ng noo ko. "Maghahanap na rin ako ng bagong anak ko. 'Yung mas makulit, mas magastos, mas tamad, mas pangit at higit sa lahat mas mahaba ang nguso."
"Aaaaaa!" Nagsisigaw ako sa sobrang inis. "Ayaw ko! Ayaw ko! 'Wag! 'Wag Mama! Ako lang dapat ang anak mo!"
"'Di ba ayaw mo sa akin?"
"Wala akong sinabi." Lumapit ako sa kaniya para yumakap pero tumayo siya at lumayo sa akin. "Mama yakap..."
"Ayaw ko nga," pang-aasar niya. Binelatan pa ako!
"Mama... Mama... Mama..." Hinabol ko siya with open arms and nguso pa kaso ang bilis niyang tumakbo eh. "Mama!" Umupo ako sa lapag at nagngangawa.
"Uod bakit?" Tanong ni Pañerong Viper. Umahon silang lahat sa tubig.
"Inaway ako ni Mama," sumbong ko. "Papa ikiss sabay hug mo nga si Mama."
"Yari 'yan sa akin mamaya," sabi ni Papa. "Halika na tumayo ka na." Inalalayan nila akong makatayo. Lalong nag-init ang ulo ko ng makita ko si Mamang nakatayo habang nakangisi. Inaasar talaga ako neto eh. Mamaya ka lang sa akin.
"Ang pangit mo!" Sigaw ko.
"Mas pangit ka!"
"Hayaan mo na 'yang Mama mo. Hindi lang niya matanggap na nahalikan siya ni Mamba," sabi ni Pañerong Anaconda sabay tawa.
"Dito ako matutulog," sabi ko habang pinupunasan ang pisngi ko. "Pwede?"
"Oo naman, gusto mo dito ka na tumira eh," sagot ni Pañerong Viper. "Para may baby na ulit kami. Patay na kasi si Danica, tapos itong si Python malaki na rin. Ikaw na lang." Nilukot niya ang tuhod para magpantay kami. Inilagay niya ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko. Tinignan ko 'yun at ngumiti.
"Baby niyo na ako," nakangiting sambit ko. May dahilan na ako para magpacute ng magpacute dahil baby nga nila ako.
"Si Baby Uod," ani Papa.
"Pañero rin ba kita?" Tanong ko kay Papa.
"Oo naman, pwedeng Pañero pwede ring Papa."
"Eh di Papañero na lang."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...